CHAPTER 7 - Reason

520K 15.5K 988
                                    

CHAPTER 7 — Reason

LUCIEN deposited Virgo on his bed. Nang mawalan ito ng malay kanina sa banyo, nilukob ng panggamba ang buong pagkatao niya. He panicked. Sa sobrang panic na nararamdaman niya, tinawagan niya si Lucan para tulungan siyang dalhin sa bahay nila si Virgo. Mabuti nalang at wala nang tao sa loob ng gusali maliban sa mga security guard na kino-control naman ni Lucan kaya nailabas nila ng maayos si Virgo.

Kaya si Lucan ang tinawagan niya. His ability to control someone physically and mentally always comes in handy. Medyo magkaparehas ng kakayahan si Lashka at Lucan, pero si Lashka ay kaya lang impluwensiyahan ang isang tao na gawin ang gusto nitong gawin at kapag nagawa na nang taong iyon ang pinaguutos ni Lashka, tapos na. One deed at a time. Pero iba si Lucan, he can really control someone physically and mentally for as long as he wants to control them. It was one reason why their family is feared. Each and every one of Kallean Family has an ability that gives nightmares to their enemies.

Napatitig si Lucien sa mukha ni Virgo.

Maputlang-maputla ang dalaga at nag-aalala siya. May nakakabit ditong IV. Sinasalinan ito ng dugo kapalit ng dugo na kinuha niya mula rito.

Why couldn't he rein his hunger? His need to taste her? Was that his rogue side coming out? No way!

"How much blood have you drunk from her, little brother?" Tanong ni Lucan na naka-upo sa gilid ng kama niya kung saan nakahiga si Virgo.

Lucien sighed. "Six, seven, no, eight gulp?" Hindi siguradong sagot niya. "Hindi ko alam. I got carried away."

Napailing-iling ang nakakatanda niyang kapatid. "Binigay na nga sa'yo ni Daddy ang kuwentas para hindi ka makapag-isip na inumin ang dugo niya pero wala naman palang gamit 'yon."

Napatungo siya. "We were in the bathroom and I remember out first meeting in Lea's birthday, her cousin." Iyon kaagad ang pumasok sa isip niya ng pumasok si Virgo sa loob ng banyo habang hinuhugasan niya ang lunchbox. At nuong magkayakap sila, naalala niya ang masarap na lasa ng dugo nito at kung paano niya noon ginusto na matikman ulit ang dalaga. He was lost in his memories and when he blinked, he found his fangs buried on Virgo's neck and he was enjoying the delicious taste of her blood travelling down his throat.

"Anong gagawin mo sa kanya ngayon?" Tanong ni Lucan na pumutol sa pag-iisip niya. "Kapag magising siya, anong gagawin mo? Anong sasabihin mo sa kanya? Malapit nang umuwi sila Daddy at Mommy."

He combed his hair through his hand in so much frustration. "I want to keep her here with me."

Mahinang tumawa si Lucan. "That you can't do, little brother. Not until she accepts you and says the ritual mating vow. Kapag hindi pa niyo nagagawa 'yon, hindi mo siya puwedeng patirahin dito sa bahay. That's the rule."

Ihinilamos niya ang mga palad sa mukha niya. "Anong gagawin ko ngayon?" Tanong niya habang pabalik-balik na naglalakad.

Lucan sighed and stands up. "Hintayin na'tin si daddy." Tinapik nito ang balikat niya. "Be ready to be scolded, little brother."

Napatigil siya sa paglalakad. "I'm not ready."

Nagkibit-balikat si Lucan. "Kaya mo yan. Panindigan mo ang ginawa mo."

Lucien took a deep breath and exhaled loudly. "Kaya ko 'to."

Nang makalabas si Lucan sa silid niya, minuto lang ang binilang niya bago pumasok ang ama niya. Nakatiim-bagang ito habang nakatitig sa maputlang mukha ni Virgo.

"Dad—"

"I gave you the necklace for a reason, Lucien!" Sigaw nito na ikinaigtad niya. "Bakit kailangan mo 'tong gawin?! Paano kung hindi mo napigilan at napatay mo ang batang 'to?! Kung totoo nga ang nararamdaman mo para sa babaeng 'to, leash your fangs, Lucien. Dahil mapapatay mo siya!"

Favorite Obsession Where stories live. Discover now