CHAPTER 33 - Unborn Child

506K 12.1K 1.2K
                                    

CHAPTER 33 - Unborn Child

SI VIRGO at ang magiging anak niya ang nasa isip ni Lucien habang nakikipaglaban sa mga Rogue. He needs to keep them safe. He can't lose them. He can't survive without them. And it gives him strength to fight and win the battle.

"Dalhin mo sa hilaga ng kagubatan na ito si Virgo. She'll be safe there! May mga kasama ako na naghihintay satin 'don." Sigaw ni Vixon habang nakikipaglaban din ito sa mga Rogue kasama si Vixor. "Go, Lucien, now!"

Mabilis siyang bumalik sa HQ at pinangko si Virgo na kanina pa naghihintay sa kaniya sa loob.

Yumakap sa leeg niya si Virgo. Naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. Lucien can feel her nervousness.

"Saan tayo pupunta?"

"Hold on tight, my love." Sabi niya saka kasing bilis ng hangin na tumakbo patungo sa hilaga ng kagubatan.

Rogues run after them, but not for long. Dahil nang makarating sila sa hilaga ng kagubatan, may nagsidatingan na mga Rogue para iligtas sila.

Seven Rogues. Rogues like him. Tamed ones. Mga kasama ang mga ito ni Vixon?

"Hey. I'm Kennon." Pagpapakilala ng isa na may hawak ng baril sa magkabilang kamay. "Vixon told us to be here. Ikaw ba si Lucien Kallean?"

Tumango siya at inilapag si Virgo na kaagad namang tumayo ng tuwid at yumakap sa braso niya.

The man beside Kennon stilled as he looked awe at Virgo. "Buntis ka?"

Niyakap ni Virgo ang sarili at tumango. "Oo."

The seven men grinned happily.

"Booyah!" Sigaw ni Kennon. "So, whoever is inside your stomach will be the most powerful vampire, ever? Cool!"

They knew? Sila lang ba talaga ang walang alam sa totoong nangyayari?

Yumukod ang lalaki na katabi ni Kennon.

"Ako pala si Yazo. We will keep you safe."

At isa-isang nagpakilala ang lima pang natitira na hindi nila kilala.

"Ako si Grim."

"My name is Henrik."

"Mine is Xero."

"Call me Jit."

"And i am West."

"I'm Lucien Kallean." Pagpapakilala niya at hinawakan ang kamay ng asawa. "This is my wife, Virgo Kallean."

"Hi." Mahinang boses na bati ni Virgo sa pitong kalalakihan.

"We don't have time for handshakes, fuckers!" Anang boses ni Vixon na nakalapit na sa kanila kasama si Vixor. "Let's go. Rogues are hot on our trail. Damn it!"

Binuhat na naman niya si Virgo saka tumakbo. Lucien and the others didn't stop running until they reach a road. May sasakyan na nakaparada doon. A Hammer.

"Sakay na." Ani Xero habang kinukuha ang matataas na kalibre ng baril sa likod ng Hammer. "Kami nang bahala rito. Kennon, get the C4's. We'll blow their freaking mind to bits."

Kennon obliged. Ganoon din ang lima na kaniya-kaniyang kasa sa mga hawak na baril.

"Buckle up." Wika ni Vixon na nasa driver's seat at binubuhay ang makina ng sasakyan. "We're leaving."

Sumakay si Vixor sa passenger seat at nilingon sila ni Virgo na nasa Backseat.

"Ayos lang kayo?" Tanong ni Vixor.

Favorite Obsession Where stories live. Discover now