You're Dead!!!

10.4K 405 19
                                    

-CJ's POV-

"Mom! Dad!"Tuwang tuwa ako nang makita silang bumababa ng kotse.

"Baby! How are you?" Agad akong sinalubong ng yapos ni daddy.

"I'm good, napa-aga balik nyo ah?"

"May nabalitaan kasi kami." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni mommy, mukhang alam ko na kung sino ang 'nagbalita' sa kanila.

"Ano na namang sinabi ng lalaking ‘yon sa inyo?" Naka-ismid kong tanong.

"Na itinali mo sa puno ang schoolmate n’yo!" Nanlalaki ang matang sigaw niya sa akin, napa-irap nalang ako.

"Hmmp! Dapat lang ‘yon sa kanya mom! He made fun of my friend!"

"Not just that, may black eye pa daw ‘yong bata!" Naningkit ang mga mata niyang naka-tingin sa'kin.

"He deserves it!" Katwiran ko pa rin sabay talikod sa kanila.

"COURTNEY!" Galit nang sigaw ni mommy.

"Hon, ako nang bahala." Kinalma siya ni daddy.

"Anak, alam ko gusto mo lang ipagtanggol ang kaibigan mo. KAYA TAMA ANG GINAWA MO!" Napangiti ako sa sinabi ni dad, pinalo naman siya ni mommy.

"Edward!" Pinandilatan niya si dad.

"You! Young lady, hindi dapat ganyan kumilos ang dalaga. As punishment, one week kang grounded!"

"WHAT?! Hindi pwede! May usapan kami ng barkada!" Maktol ko naman.

"Hon, sobra naman ‘yong one week." Buti nalang kampi ko tatay ko.

"Tumigil ka Edward, kaya nai-spoiled yang anak mo eh." Kaya lang hindi rin siya manalo kay mommy, napakamot nalang sa batok si dad. Lalo akong nabwisit at nag-init ang dugo sa sumbongero. Papatayin talaga kita Brix!

"Yaaahh!!!" Bagsak padapa ang kalaban, kumalat sa sahig ang hawak niyang folders.

"Aray," mahinang sabi niya, napuruhan s'ya ng sipa ko sa likod n'ya. Buti nga!

"Ano bang problema mo pandak?!" Tanong niya nang maka-bangon.

"Pandak pala huh!" Bigay todo ang suntok na tatama dapat sa kanya pero nasalo n'ya ang kamao ko.

"Once is enough! Ano na namang pinag-aalburoto mo CJ?!" Marahas na pinakawalan n'ya ang kamay ko.

"Ano? Hindi mo na naman alam ang ginawa mong kasipsipan? Nang dahil sayo grounded ako!" Kinuha ko ang bangkong plastic na malapit sakin at hinagis iyon sa kanya.

"Kasalanan ko ba? Eh ang mommy mo ang nagdesisyon n'on!" Hinarang n'ya ng braso ang binato kong monobloc chair.

"Dahil sinulsulan mo s'ya!" Namataan ko ang vase agad ko iyong dinampot at binato sa kanya.

"I'll beat you to deeeath!!!" Nasalo n'ya pa rin ang vase, peste! Wala na akong makitang pambato. Sinugod ko nalang siya, pero mabilis n'yang nahawakan ang dalawang pulso ko. He pinned me down to the wall, I tried to kick him where-it-hurts-the-most but he immediately blocked my attack using his leg. Nginisihan pa ako.

"She told me to report whatever you're doing at school. Sumunod lang ako."

"Ang sabihin mo sipsip ka talaga!"

"Well, I won't deny that." Tumawa siya ng malakas at pinakawalan ako tsaka dinampot ang mga folders.

"Jerk! Magagantihan din kita, just wait and see." Banta ko pa.

"My pleasure," sabi n'ya ng hindi man lang lumilingon sakin, tumayo sya at tinalikuran ako. Chance!

Inalis ko ang suot kong fluffy slipper at binato sa kanya target ang ulo.

Sapul! Hahaha, tiningnan niya lang ako ng masama. Tumalikod na rin ako pabalik sa aking kwarto. I fished my phone from my pocket and called Jin.

"I have a new assignment for you." 

"Again? Matapos-tapos ba challenge sa akin?"

"Yeah, tatlo 'to. You should pass all. Ano? Takot ka na ba?" Panghahamon ko sa kanya.

"Si ako, takot? No no! bring it on!" napangiti ako, you'll pay dearly Brix!

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Where stories live. Discover now