Changes

6.4K 258 15
                                    

<Karla's POV>

"Isang linggo na tayong nag-balik eskwela pero wala pa ring improvement sa project na in-assign ko sa inyo? What? Are you waiting for our graduation before you finished this simple project?" sermon sa amin ni Brix na may kasama pang pakumpas-kumpas ng kamay.

Everybody knows the complete change that happened to him. Mula lang bumalik kami matapos ang Christmas vacation ay naging iritable at mainitin ang kanyang ulo. Gone was the cool, nice and always composed school president. He's a completely different person now, someone nobody had ever seen before.

"Half is already done president, we expect it to be finished by the end of this month" mahinahon kong sagot. Ang totoo ay nahihiya ako sa kanya dahil sa nangyari noong gabi ng kaarawan ni CJ. I stole a kiss from him for pete's sake! Pero uma-akto siyang parang walang nangyari kaya ganon nalang din ang aking ginagawa, kahit pa nga ang hirap pagtakpan ang nararamdaman ko sa kanya.

"Siguruhin mo lang, this is my last year at this school. At ayokong napapahiya. Dismissed." Dire-diretsong lumabas siya ng opisina namin. Napa-buntong hininga nalang ako at sumunod na rin sa kanya. Sa totoo lang nagsisisi ako kung bakit hinalikan ko pa sya habang natutulog doon sa bench. Kasi naman, ang gwapo at ang payapa ng itsura nya ng mga oras na 'yun. Tuloy, di ko napigilan. Dagdag pang naparami ang na-inom ko kaya lasing ako noon at hindi alam ang ginagawa.

I was really ashamed 'cause CJ saw us, until now I'm trying to avoid her. Buti nalang mukhang nakalimutan na niya dahil hindi pa kami pinapatawag sa principal's office. But I noticed this past few days, Brix and CJ haven't been talking to each other—err... fighting rather.

<Jin's POV>

I was at the hide-out of Snow white—yeah, CJ—Luke said he wants to talk to me, somehow I want to regret believing it's only him who wants to talk to me. Ang awkward kasi we're all here at the living room, when I say all it means with the seven guardians. Everyone seems to be studying me as I'm sitting stiffly at a single couch. Napakamot ako sa batok.

"Guys, I promise I'll behave. Alam nyo naman I really like her so much"

"Be sure koreanong hilaw, kung ayaw mong magkalasog-lasog ang buto mo!" guess who? Right, si Jake. He's always mad at me, well, I guess lagi siyang galit sa lahat.

"You don't have a girlfriend?" si Drake,

"Or wife?" of course, it's Dylan.

"Silly, underage pa 'ko. I assure you, I'm single"

"Mabuti nang sigurado, hindi ka namin kilala ng lubusan" Earl plainly said.

"San mo sya balak dalhin?" tanong ni Adrian habang hinihimas ang baba.

"Mall, we'll just eat ice cream and watch a movie" I carefully responded.

"Anong movie? Mahilig 'yun sa romantic comedy na tagalog tsaka hollywood action, try nyo yung Legend of Hercules. Pigilan mo kung naka-dalawa ng magnum, baka sumakit ang ngipin nun. Kung dun kayo magdi-dinner, favorite niya ang lasagna sa pizzahut. Take her home before 10PM." I'll definitely keep Luke's instructions in mind.

"Noted po tatay" i did not hide my teasing grin. Nakatanggap naman ako ng malakas na batok from him.

"Okay, okay! I promise I won't disobey you're list of does and don'ts"

"Sige, lumarga ka na at baka ma-late ka pa"

"Anong 'lumarga'?" sometimes hindi ko pa rin ma-gets what they're saying.

"Tsupi na!"

"Sibat!"

"Layas na!"

"Goodbye!"

Wala na akong nagawa when they pushed me out the door. I urgently rode my car then went to CJ's home.

<Brix' POV>

Nagpapa-hangin ako sa terrace ng aking kwarto ng mapansin ko ang pagdating ng kotse ni Jin. Agad naman siyang sinalubong ni CJ ng may ngiti sa kanyang labi at umalis na rin sila. Wala akong nagawa kundi sundan nalang ng tingin ang papalayong sasakyan.

I felt like I've been hit directly to my heart, twice. Sinasanay ko na rin ang sarili ko, tama naman si Luke. Jin can make her happy, without any complications.

[Flashback]

Sinubukan kong habulin si CJ pero may humarang sa daraanan ko, si Luke.

"You've hurt her so much, that's enough Brix. Simula mga bata tayo, lagi siyang umiiyak sa'kin at nag-rereklamo tungkol sa'yo."

"Pero mahal ko s'ya" buo ang tinig na sagot ko.

"Mahal mo nga pero lagi mo namang sinasaktan."

"Look, I promise I'll make it up to her. Hindi ko na siya sasaktan, nag-sasabi ako ng totoo"

"Hindi sapat Brix, matagal na kitang binigyan ng chance. Isa pa, napag-kasuduan na ng barakada, kung meron mang karapat-dapat mahalin ni CJ ay si Jin lang. Napatunayan na niya iyon sa amin. So back off Montgomery"

"Nagkakamali ka kung iniisip mong isusuko ko siya ng ganun-ganun nalang. Else, she's the one to decide, not you and your friends" lumapit siya sa'kin at hinatak ang kwelyo ko. Nag-laban kami ng tingin.

"Narinig ko ang usapan nyo ngayon lang. And base on what I've heard, clearly, ayaw niya sa'yo. Anyway, may I remind that you still owe me one so I call the shots here. Layuan mo na siya, let her be happy with Jin. If you really love her, you'll do what I say" binitiwan niya ako at tinalikuran. Wala akong nagawa kundi ikuyom ang aking mga kamao.

Siguro nga hindi pa ako ang makakapag-pasaya sa kanya, hindi pa ako karapat-dapat sa aking galang prinsesa. For now, I'll let her be.

But one day, I'll make sure...

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon