Hacienda Alicia

7.5K 301 27
                                    

-CJ's POV-

"Welcome back young master!" sabay-sabay at mga naka-ngiti na sabi ng mga taong nadatnan namin sa labas ng mansyon, nakapila sila sa dalawang linya. Para bang inaasahan nila ang aming pag-dating.  Siguro inupahan itong mansyon para sa ilang araw na conference nila Brix.

Lumapit ang isang may edad na lalaki sa amin, kina-usap si Brix.

"Kamusta ang inyong byahe young master? Mabuti at nadalaw kayo, matagal na rin mula ng huli kayong napunta dito sa amin" napa-kunot ang noo ko, suki ba dito si Brix kaya kilala na siya? Bakit andami naman yatang servant? Sa tingin ko nasa walumpo silang lahat.

As usual Brix smiled before answering the old man. Napa-ingos naman ako, ang plastic talaga!

"We're good, it's nice to be back butler Luis" at nag-simula na silang mag-lakad papasok sa mansyon. Wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanila ng biglang tumigil si perpekto at pumwesto sa tabi ko.

"My bad, nakalimutan kong ipakilala sa inyo ang mga kasama ko. Siya nga pala si Kuya Ron, family driver ng mga Jacinto, si Katkat kasambahay din sa kanila. And lastly I want you to remember her, your mistress Courtney.

" Welcome po young mistress Courtney" sagot naman ng mga tao.

"Hoy! Sira-ulo ka talaga, hindi ako kabit!" walang babalang sinuntok ko ang braso niya. Natahimik ang lahat, mukhang nagulat sa inasal ko. Urgh! Panira talaga ang perpekto na 'to! Taas noong nag-martsa ako papasok sa mansyon habang halos lahat sila ay hindi pa makahuma sa pagka-gulat.

Kasalukuyang inaayos ni Katkat ang mga bagahe ko sa cabinet habang nanonood ako ng anime sa aking ipad ng biglang tumunog ang cellphone ko tanda ng skype alert. Mabilis ko iyong sinagot ng makita kung sino ang pang-abala.

"Cooooooorriii!!" agad niyang sigaw ng sumulpot ang mukha niya sa screen

"Ano ba Jin! Maka-sigaw wagas?!" inis na sita ko sa kanya.

"Ahehe, sorry po." Nag-peace sign pa ang hudyo. I rolled my eyes.

"Oh anong meron?"

"Well, I was just worried because you didn't appear at class and you were not in your house as well" parang bigla siyang nahiya ng sabihin iyon.

"Arte mo, may conference kasi akong pinuntahan"

"Where is that? Pwede ako punta?"

"You can't!" hindi nila pwedeng malaman na kasama ko si Brix siguradong hindi nila ako titigilan sa interogasyon.

"Ah... Ano... I mean, hindi pwede kasi invited lang ang pwede magpunta and late ka na rin since mag-start na kami maya-maya " he pouted, and gosh he looked cute! Napa-iling ako para mawaglit ang aking nai-isip, kung ano-ano na lang pumapasok sa utak ko.

"Is that so, kelan ka babalik?"

"Maybe the day after tomorrow" come to think of if, Brix did not say how long we'll stay here.

"Maganda ba dyan? Masaya ka?" natigilan ako. Tumatak sa isip ko ang huling tanong niya.

"Yes... I am... happy" I gave him a loop sided smile.

"That's good to hear. Anyway, baka abala na ako, bye bye. See you soon, take care" he blew a kiss on the screen. Bago pa ako maka-sagot ay nawala na siya.

Hindi ako na-inis sa kanya, nag-flying kiss siya sa'kin at hindi ako na-bwisit. Bago 'yun ah. Nagkibit-balikat ako, nasasanay lang siguro ako sa kakulitan niya.

Bumangon ako upang pumunta sana sa teresa ng makarinig kami ng katok sa pinto. Dahil malapit na rin ako na ang nag-bukas.

Isang unipormadong kasambahay ang bumungad sa akin.

"Good afternoon young mistress, pinapatawag na po kayo ni young master para sa inyong tanghalian. Dumating na rin po ang ibang mga bisita na inyong makakasalo" magalang niyang sabi, bumaling ako kay katkat na patapos na sa pag-aayos ng aking gamit.

"Kat, sunod ka nalang after n'yan" hindi ko na hinintay ang sagot niya at sinarado na ang pinto.

Pababa na kami sa hagdan ng ma-isip kong sitahin siya.

"Anong pangalan mo?"

"Ashley po"

"Ahsley, pwede bang CJ nalang ang itawag mo sa'kin. Don't listen to that fake"

"Naku hindi po pwede young mistress, baka mawalan ako ng trabaho pag sinuway ko si young master"

"Duh? Ano namang say nya eh hindi nyo naman siya boss. Tsaka hindi nga ako kabit noh!" mataray na sagot ko.

"Eh hindi nyo po ba alam, kay young master ang haciendang ito. Sa kanya ang Hacienda Alicia, kaya siya po ang boss namin at hindi ko maaring suwayin ang kanyang kautusan."

 ......

Hacienda? Kay Brix? WTH?

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Where stories live. Discover now