First kiss

10.7K 428 48
                                    

-Brix' POV-

"Double time guys! James, ang deliveries? Karla, nasaan ang stall ng 1C? Naka-usap mo na ba ang class rep nila?" Sunod-sunod kong tanong sa kanila.

“Any minute nandito na raw sila.” James replied while looking at his notes.

"Yes President, they're already working on it." Kahit abala sa laptop ay nasagot pa rin ako ni Karla.

"Next week na ang Foundation day, dapat maayos nila 'yan as soon as possible."

"I'll make sure of that." Sagot pa rin nito nang hindi ako tinatapunan ng tingin at mabilis na tumitipa sa keyboard.

"And the garden, until now hindi pa nalilinis." Umikot ang mata ko sa loob ng gymnasium. Lahat ng fourth year students abala sa pag-hahanda sa pangunguna ko. Liban sa isang nilalang. I walked to her spot, as always, she's busy playing her ipad.

"Ms. Jacinto, I know may alam ka sa land scaping kaya ikaw ang ia-assign ko doon." Patuloy lang s'ya sa pag-dutdot sa ipad. Wala talaga siyang pakialam magunaw man ang mundo sa mga oras na 'to. Deadma pala huh? I bent down. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. No reaction.

"CJ," bulong ko sa tenga n'ya.

"Hey Courtney," hindi talaga namamansin, ngumisi ako at...

"Aaahhh!!!" Matinis na tili niya ang umalingawngaw sa paligid, nalaglag ang hawak niyang ipad habang hindi ko napigilang tumawa.

"Hahahahahah…" nagtinginan na sa amin ang ibang mga estudyante.

"Sira ulo ka talaga Brix!" Hinawakan n'ya ang namumulang tenga.

"Hahah… pa’no kasi... hahahah... ayaw mong... haha... makinig sa'kin." Tuloy-tuloy lang ang tawa ko, pati iba naming kasama napapa-ngiti na rin.

"Eh kung i-reklamo kaya kita ng sexual harassment?!" Nanlilisik ang mga matang banta niya.

"Para kinagat lang sa tenga, harassment na agad? At sexual pa?" Tiningnan ko s'ya mula paa hanggang dibdib. Making my stare on her chest very obvious. At ngumisi ako ng nakakaloko.

"Nene, hindi ako pedophile or mahilig sa lolita." Sumabog na ang temper ng prinsesa. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ng nene, lalo na ang pasinin ang pagka-flat chested niya. Sumugod siya habang umuurong ako— sipa, suntok, bato... teka, teka! Patay na! Hawak niya ang hard drive ng pinaghirapan kong gawin na presentation.

"Courtney bitiwan mo 'yan!" Humakbang ako palapit sa kanya.

"Hep! Mr. Plastic, d'yan ka lang kung ayaw mong wasakin ko ang hard drive na ‘to!" Napatigil ako, dalawang linggo kong trinabaho ang presentation 'yun. Dahil lang sa pagka-brat niya eh mawawala, hindi pwede 'to.

"Okay, okay. Kung ayaw mo, hindi na kita pipiliting gawin ang garden." Mahinahong alok ko.

"Napakababaw naman ng kapalit nito. I want something... Hmmm…" sabi niya habang nag-iisip.

"Tell me anything you want. Ibibigay ko sayo." Doon din naka-save lahat ng projects at documents ko sa trabaho. Hindi ko pa ba nasabi? Sa kanila ako nagta-trabaho.

"I remember, may gusto nga palang kumausap sayo. Wait ha, tatawagan ko lang." Inilabas n'ya ang kanyang cellphone at tumawag nga. Makalipas ang limang minuto dumating si Jin na may kasamang babae, namukhaan ko ito.

Si Darlene? Yung taga-St. Claire High na may pagka-manang? Kumunot ang noo ko, ano na namang kalokohan ang na-isip gawin ng CJ na 'to?

"It's very simple Brix, gusto ko lang namang mag-usap kayo sa harap namin. Alam n'yo kasi me complaint itong si Darlene sa pekeng Mr. Perfect na ‘yan." Taas kilay niyang talumpati, bumaling siya kay Darlene.

"So, what is it that you want to tell us girl?" Halos mag-ningning sa kapilyahan ang kanyang mga mata.

"S-si... Bri-ix," bago pa lang nagsasalita ay ngumawa na kaagad si Darlene. 

What the hell?

"N-ninakaw niya ang first k-kiss ko!" Bumalot ang katahimikan sa buong bulwagan... na ‘di naglaon ay naging bulong-bulungan.

I can't believe this is happening.

“Ano? Pati ba yan pinatulan ni Brix?”

“Akala ko pa naman mataas ang standard n’ya?”

“How baduy.”

“This is sooo freakin’ unbelievable!”

Shit! Nasisira ang imahe ko! Lumakad ako palapit sa kanila.

"Look Darlene, it's an accident. I'm really sorry," taos-puso kong pag-hingi ng paumanhin.

"Accident ka d'yan?! Kunwari ka pa eh pervert ka naman talaga! Hindi mo ba na-isip kung gaano ka-importante sa isang babae ang first kiss?!" Singit ni CJ.

"I told you, hindi ko ‘yun sinasadya, na-dulas ako sa hagdan. It just so happen na andun s'ya at nadapa ako sa kanya. T-then our lips just brushed, slightly." halos pabulong ang mga huling salitang binitawan ko.

"You planned it well, napaka-galing mo talagang magtago sa likod ng maskara mo Brix." Pagtataray pa rin ni CJ, tahimik lang si Darlene pero umiiyak siya.

"You must take responsibility," sabi pa ng taratitat.

"Won't you just shut up Jacinto?!" Napalakas kong saway sa kanya.

"See? See, guys? Lumabas din ang ugali mo," proud smile written all over her face, how I want to swipe off that smile right at this moment.

"Ipakita mo ang pagiging role model, responsible kemberloo mo. Ask her to be your girl!" Why can't she just keep those freakin' words to herself! Si Darlene magiging girlfriend ko? I will definitely be a laughing stock.

"Hindi por que't nahalikan dapat nang maging magkasintahan!"

"What? The almighty Brix Montgomery won't take responsibility to this young lady here?" Her thin, pinkish lips formed to a smirk.

"It can happen to anyone Jacinto, may iba nga hindi lang 'yun ang ginagawa pero mag-kaibigan lang sila." Hindi ko isusuko ang debateng ito.

"Wala, fake ka talaga! Liar! Sige, patunayan mo nga, meron ba ditong papayag magpa-hali- " I did not let her finish whatever she's saying. I sealed her lips with mine. Masyado kasing madaldal.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon