the REAL FIRST KISS

8.3K 334 38
                                    

-Brix POV-

Marahan akong nagla-lakad patungo sa aking silid ng makita kong tumatakbo palapit sa akin si CJ. Ang babaeng dahilan kung bakit hindi pa rin komportable ang kilos ko hanggang ngayon, nasaktan talaga ako sa sipa ng prinsesang gala kahapon. And of course she can’t just get away with it that easily.

“Where are you going?” tanong ko bago pa niya ako malagpasan, napa-preno naman siya at hinarap ako.

“What do you care? Hindi ka pa rin nadadala kahapon ‘no?!” pinandilatan niya ako, para namang matatakot ako doon.

“Hindi ka pwedeng umalis, may pupuntahan tayo.” Pinandilatan ko rin siya.

“Hoy! Hindi por que sayo nang-galing ang teddy bear na binigay ko kay mommy ay may utang na loob na ako sayo! In case you forgot, you’re just a mere employee here.” Mukhang maayos ang naging dinner nila kagabi, hindi na ako nakasama dahil sa ‘aksidenteng’ nangyari sa’kin.

“Hindi ko po iyon nakakalimutan mahal na prinsesa. Pero baka naka-limutan nyo na po ang deal natin, hindi po ako nagbibiro. I have a conference in tagaytay and since Karla can’t make it I need you to come with me, so if you don’t want me to give the medico legal to tita Bella kindly proceed to your room and pack your thing cause we’ll be leaving in about two hours your highness” sarkastiko kong litanya, binigyan muna niya ako ng nakamamatay na tingin bago siya nag-about-face at pabalabag na isinara ang pinto ng kanyang kwarto.

I can almost taste victory. I’ll make sure she’ll miserably enjoy our little vacation.

“Why are you here? Doon ka sa harap!” agad na reklamo ni CJ pag-pasok ko ng kotse.

“Kasi po kasama din natin si Katkat” balewala kong sagot.

“Eh di palit kayo ng pwesto!” saktong binuksan naman ni Katkat ang pinto sa harap.

“Katkat dito ka sa kalapit ko!” mabilis n utos ni CJ bago pa maka-upo si Katkat, pero na-upo pa din ang huli at saka lumingon sa amin.

“Eh sorry hindi po pwede ms.Courtney, nahihilo kasi ako kapag sa likod naka-upo”  alanganing pahayag niya.

“What about the van and SUV?” she asked, frustration evident on her voice.

“Coding po ang van miss, gamit naman po ng parents n'yo ang SUV” sagot naman ni kuya Ron at binuhay na ang makina. Wala nang nagawa si CJ nang umandar ang kotse kundi sumubsob sa unan at impit na sumigaw.

Hindi tumitingin sa akin na isinaksak niya ang headphone sa kanyang tenga at pumikit ng busangot pa din ang mukha. While, I, turned on my laptop then started working on our schedule and activities for the next two days.

Makalipas ang sampung minuto payapa na ang itsura niya, mukhang naka-tulog na talaga pero bahagyang humampas ang ulo niya sa katabi niyang bintana nang lumiko ang kotse. Naalimpungatan siya at muling sumimangot saka pinag-patong ang dalawang unan sa kanyang kandungan at sumubsob doon.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon