Obāsan

6.3K 243 37
                                    

<Brix' POV>

"Ohayō gozaimasu Heika, Kuīnmazā Yuki-sama" (Good morning Your Majesty, Queen mother Yuki) bati ni Kaito-san na may kasamang yuko sa mga kaharap namin sa isang conference room. Ginaya ko ang kanyang pag-yukod, alam kong tanda iyon ng pag-galang.

Tumango lamang ang lalaking sa palagay ko'y malapit na sa singkwenta ang edad, matamis naman ang ngiting ng matandang babae na marahil ay nasa mahigit sesenta. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, nang gabing iyon sinabi sa'kin lahat ni Kaito ang tungkol sa katauhan ng aking ama.

"Kore wa, Aki-sama, Jirō oujisama musuko-desu" (This is Aki, prince Jiro's son)

Isa pala siyang prinsipe, hindi ko sigurado kung alam iyon ni mama pero Jiro daw ang tunay nyang pangalan. Na ang ibig sabihin ay 2nd son, at si Kōtei Sanjo nga ang panganay na ngayon ay siyang kasalukuyang emperor ng Japan. To tell you the truth I was a bit hesitant when Kaito-san asked me to come with him but I want to know if he's telling the truth so here we are, at the Tokyo Imperial Palace.

(ANG MGA SUSUNOD NA USAPAN AY TAGALOG NA, PARA DI NA TAYO MAHIRAPAN MAG-TRANSLATE[PALUSOT.COM] IMAGINE-IN NYO NALANG NA NIPONGGO. HEHEHE)

"Ikaw ba'y nakasisiguro na Kaito-san?" tanong ng hari.

"Opo, Heika. Upang maiwasan ang pag-dududa, nakatakda siyang suma-ilalim sa DNA test bukas ng hapon"

"Sa palagay ko'y hindi na kailangan ng test, masdan ninyo, kamukhang-kamukha niya si prinsipe Jiro" madamdaming pahayag ng inang reyna. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Huwag na kayong magtaka kung bakit ko sila na-iintindihan, mahilig ako sa anime kaya pinag-aralan ko ang kanilang lengguwahe.

"Mahal na Inang Reyna, makabubuti rin po para sa kanya ang test. Isa pa ho, siguradong hihingin din iyon ng inyong nasasakupan." Sagot ni Kaito-san, tumango ang reyna at binitiwan ang aking mukha.

"Nais kong makuha ang resulta sa pinakamadaling panahon, kung siya ay anak ni Jiro nararapat lamang sa kanya ang pagkilala ng lahat" utos ng hari

"Masusunod Heika"

"Na-ihanda na ba ang kanyang tutuluyang silid?" muling usisa ng reyna.

"Opo, denka. Naipa-handa ko na po iyon bago pa ako tumungo sa pilipinas"

"Magaling kung gan'on, ang mabuti pa'y samahan ko na siya upang makapag-pahinga na sa kaniyang silid. Ikaw man Kaito-san, alam kong napagod ka din sa byahe. Halika na, mago" yumukod ako bilang pamamaalam sa emperor at sumunod na kay lola.

Halo-halo ang aking nararamdaman, kaba dahil gan'to pala ang pinagmulang pamilya ng aking ama at saya dahil sa wakas may matatawag na akong kapamilya at kadugo, lungkot dahil masyado silang pormal parang mahirap silang makalapit. Well, what do you expect from a family of royalties.

"Dito na lamang kayo" utos ng inang reyna sa mga babaeng naka-sunod sa amin nang mapatapat kami sa pinto ng aking silid. Kinuha niya ang hawak na photo album ng babae, ang isa naman ay ipinagbukas kami ng pinto.

Pumasok na siya at sumunod naman ako, maaliwas ang silid kababakasan ng karangyaan at kasaysayan. Mayroong painting ng isang samurai sa dingding, sa baba noon ay isang totoong samurai na nakapaloob sa isang lagayang salamin. Namamahang nilapit ko iyon, paborito ko ang SamuraiX lalo na yung huling pelikulang ipinalabas.

"Lumapit ka dito, mogu" mabilis akong nag-lakad palapit sa kama kung saan siya naka-upo.

"Ilang taon ka na Aki?" hindi ako sanay na Aki ang tawag sa'kin kahit pa 2nd name ko talaga iyon.

"Labing-anim po, denka"

"Ibig kong tawagin mo akong Obāsan kung tayo lamang ang nakakarinig, malinaw ba?"

"O-opo, obāsan" binuklat niya ang album, black and white pa ang larawan. Isang sanggol na nakadapa.

"Walong buwan lamang dito ang iyong ama, alam mo ba napaka-iyakin niyang bata? Nais niyang lagi kong karga, pero ng matuto na siyang makatayo ay ayaw ng magpadala" nai-iling niyang kwento.

"Makulit po ba sya?" inilipat niya ang pahina, tumambad ang isang batang may hawak na bola

"Kapag kasama ang iyong Ojīsan ay talaga namang tahimik siya pero kapag kami lamang ay parati siyang nadadapa, walang tigil sa pag takbo. Napakabibo at malambing, sa totoo lang, ito'y sikreto lamang natin, pero paborito ko talaga si Jiro. Si Sanjo kasi ay madalas kasama ng kanilang ama o kaya'y palaging subsob sa pag-aaral." Natigil siya sa pag-sasalita.

"Ang mahal k-kong anak, bakit m-maaga mo kaming iniwan?" gumaralgal ang kanyang boses, hindi na ako nag-dalawang isip at niyakap siya. Tahimik siyang lumuha sa aking dibdib.

"Huwag ka ng malungkot lola, nandito naman ako" humiwalay siya sa'kin at tiningnan ako ng may pag-tatanong sa mata.

"Lola?"

"Opo, iyon ang ibig sabihin ng obāsan sa Pilipino" unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

"Gusto ko 'yan, ano naman sa Pilipino ang Mogu?"

"Apo po" napa-tango-tango siya.

"Simula ngayon tawagin mo na akong lola at ikaw naman ay apo ko" naka-ngiting sumang-ayon ako sa kanya.

So this is how it feels, it was really heartwarming to have a lola. Wouldn't you agree?

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon