Broken, twice

6.1K 247 21
                                    

Isang linggo na mula ng tumira dito sa bahay si Jin.

Anim na araw na mula ng umalis si Brix papuntang Japan.

I was drowning on my own empty thoughts when my phone suddenly beeps. Walang ganang binuksan ko ang mensahe mula kay Luke.

[You need to tell Jin. NOW.]

Biglang sumakit ang ulo ko, hinilot-hilot ko ang aking sintido na parang bang sa pamamagitan noon ay mawawala ang sakit. Ini-isip ko palang kung paano ko sasabihin kay Jin ng may mag-takip sa mga mata ko.

"Jin, I have to tell you something" inalis niya ang kanyang kamay sa mukha ko at binigyan ako ng yakap mula sa'king likuran, pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. I held his hands and break free from his embrace. Tumayo ako at pina-upo siya, huminga ako ng malalim at tumungin ng diretso sa kanyang mga mata.

"First, I want to say sorry"

"Huh? Why? What did you do? Are... are you sorry because you're breaking up with me?"

"Yes—No! I mean, urgh! Pwedeng bang tumahimik ka muna? Eto na oh, I'll explain it na. So keep quiet, okay?" tumango naman siya, nagpalakad lakad naman ako sa harap niya.

"Ang totoo, hindi ako si Corina. Courtney ang pangalan ko, others call me CJ. At hindi mo ako girlfriend."

"You gotta be kiddin' me? Imposible 'yun." Naka-ngiwi't ngiti niyang sabi.

 "I'm dead serious. Isang lingo ka lang na-coma, maraming buwan na ang nakakaraan ng maaksidente ang kotseng sinasakyan nyo ni Corina sa cebu. Mid of july ng mag-transfer ka sa school namin, una tayong nagka-kilala sa car racing. Natalo pa nga kita. Then we became friends, eventually, you... you started c-courting me."

"I-I can't believe this" mahinang usal ni Jin, yumuko siya at paulit-ulit na sinabunutan-piniga ang kanya buhok sa bandang unahan ng kanyang ulo.

"Sorry kung tinago namin 'to sayo. Kagagaling mo lang ng ospital at hindi magandang ma-stress ka sa sitwasyon mo. I hope you understand Jin, h'wag ka sanang magalit. We just did what we thought was best for you." Hinawakan ko ang kanyang balikat at marahang pinisil.

I was surprised to see him teary eyed when he look up at me. Basag ang kanyang tinig ng siya'y magsalita.

"Wh-what about C-cori? Nas'an siya?"

I was speechless for a moment. This is the hardest part. Ang sabihin sa kanyang walang na ang babaeng pinakamamahal niya. Na alam kong ika-dudurog ng kanyang puso, ngunit wala akong magagawa. Hindi na ito maaari pang ipagpaliban o pasinungalingan pang muli.

"CJ, p-please tell me. Tell me she's fine. I'm b-begging you!" hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay, na para bang doon naka-dipende ang kanyang buhay.

His tears started to fall like a continuous flowing river.

"Na-coma din b-ba siya? Where? Please tell m-me where she's confined?" tanong niya sa garalgal na boses.

"I'm sorry Jin... hindi siya naka-ligtas" I looked away as I say those words, I don't want to see him shatter into pieces.

Naramdaman ko nang unti-unting bitiwan niya ang kamay ko, muli ko siyang tinapunan ng tingin. Hindi siya gumagalaw, kitang-kita sa kanyang mga mata na parang siyang pinag-sakluban ng langit at lupa. Walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.

I can't help but feel sympathy for this man who had become a special part of my life. Nakakalungkot dahil sa ikalawang pagkakataon, muli niyang nararanasan ang sakit na dulot ng iisang pangyayari. Niyakap ko siya at hinayaang umiyak, hindi ko maiwasang maluha para sa kanya.

He had lost his heart twice for his loved one that got away.

"Baby koooo!" dinig ko ang sigaw ni dad mula baba, kalalabas ko lang noon ng kwarto ni Jin. Kasalukuyan siyang natutulog, napagod sa walang tigil na pag-iyak.

I hurriedly went down the stairs, I found them sitting comfortably at our sofa. Mom was leaning on dad as they hold each other's hand. Lumapit ako at humalik sa kanilang mga pisngi, biglang hinawakan ni dad ang magbilang pisngi ko at tinitigan ako ng maigi.

"D-dad?"

"How's my baby?" sabi niya sa malambing na tinig.

"We heard nakalabas na ng ospital si Jin" singit ni mommy.

"Yes po, last week pa. Actually dito ko muna pinatuloy para maalagaan ko siya." Natigilan sila at natahimik pero makalipas ang ilang segundo ay balewalang binago nila ang paksa.

"Mabuti naman kung gan'on. Nga pala 'nak, pack you're things. We have a flight tomorrow morning." Mom said, tumango-tango lang si dad.

"Where to? Mas gusto ko po sanang manatili at samahan si Jin"

"Hindi pwede baby, panauhing pandangal tayo sa isang malaking event so we can't miss this." Excited na pahayag ni dad.

"Hindi ba pwedeng kayo nalang mag-attend? Bakit kailangan ko pang sumama?"

"Kailangang kasama ka, it's Brix' party. Hiniling nila na dumalo tayong tatlo."

"Love, it's Prince Aki. Welcome party ni Prince Aki of Japan!"

I was astonished, no, scratch that. Astonished was an understatement for what I felt.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon