Aftermath Part2

9.4K 415 61
                                    

-Brix’ POV-

A las seis Y media na ako naka-uwi dahil sa dami ng tinapos kong paperwork. Pag dating sa bahay meron pa rin akong kailangang gawin. Kung minsan, nakakapagod din maging perfect.

Pagliko ko sa kanto, nagulat nalang ako nang biglang may humawak sa magkabilang braso ko. Kunot-noong tiningnan ko sila, ang kambal na barkada ni CJ. Sina Dylan at Drake, nakakapanibago dahil wala ang nakakaloko nilang ngisi na laging nakapaskil sa kanilang mga mukha.

“H-hoy! Anong kailangan nyo?” Nalilitong tanong ko nang kaladkarin nila ako sa eskinita.

“Huwag ka nang magtanong. Just come with us quietly.” What the hell? Then I saw them, CJ’s whole gang, except her.

“What do you want?” Maangas na tanong ko nang makalapit kami sa kanila.

“Ang yabang mo ah!” Agad tumakbo sa‘kin si Jake at inambahan ako ng suntok.

“Jake,” huminto sa ere ang kamao niya nang mag-salita si Luke. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko.

“Depende sa sagot mo kung ano’ng gagawin namin sayo Montgomery.” He looked straight into my eyes.

“Isa lang ang hihilingin ko sayo. Answer me honestly.”

“Tss, ‘yun lang pala ang dami niyo pang pasakalye. Sige, anong tanong mo?” 

“Did you or did you NOT kiss Courtney Jacinto?” Natigilan ako, naloko na. Hindi ko na-isip na magsusumbong sa kanila si CJ.

“She already told you, what else do you want to know?” Taas-kilay kong tanong. Tapang mo dude, pitong lalaki ang kaharap mo ngayon. Ang iba sa kanila member ng martial arts club pero ang yabang mo pa ring sumagot. Ipagpatuloy mo ‘yan baka bukas bangkay ka na. I told myself, may gana pa talaga akong magbiro. Napa-iling nalang ako sa na-isip ko.

“Tanga ka pala eh! Kaya ka nga tinatanong dahil hindi sa‘min sinasabi ni CJ!” Bulyaw ni Jake.

“Sumagot ka nalang kung ayaw mong mas mapasama.” Mukhang seryoso sila, kahit ang tahimik na si Fox nagbabanta na. I’m doomed.

“Fine, totoo ‘yon! I kissed her!” Pasigaw kong pag-amin. I’m gonna be beaten anyway, better yet make the most out of it. Ewan ko lang kung hindi sila lalong maasar, lalo na nang ngumisi pa ako.

Binitiwan ako ng kambal, puma-ikot silang lahat sa‘kin.

“You should have known the consequence of your stupid action” –Adrian said, he gave me an uppercut. He’s a basketball varsity player, six footer. Naramdaman ko ang pag-angat ng paa ko sa lupa nang lumapat ang kamao niya sa may baba ko. Napa-urong ako at halos matumba.

“Wala kang karapatang gawin ‘yun kay CJ!” Sinipa naman ako nang sabay nina Dylan at Drake. Sumadsad ako sa semento at napa-upo, halos hindi ako makahinga. Matindi ang tama nila sa sikmura ko. Damn! Mukhang katapusan ko na nga.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Where stories live. Discover now