Outburst

6.7K 286 52
                                    

BRIX's POV

Naka-uwi na kami sa mansyon pero ramdam pa rin ang tensyon sa pagitan namin ni CJ. It really pissed me off every time she defends Ador, I know I've been over reacting but I just can't help it.

"Meeting adjourned, it was a pleasure working with you" pahayag ko sa mga kasama ko sa conference room habang naka-paskil ang praktisado kong ngiti. Sa wakas pwede na kaming bumalik sa manila bukas at hindi na sila magkikitang muli ng Ador na 'yun.

"Please proceed to the garden, I have prepared a special dinner for tonight" I announced as I head out of the room.

Namalayan ko na lamang na nasa tapat na pala ako ng pinto ng kwarto ni CJ. Nagdadalawang isip na itinaas ko ang aking kamao.

Dapat ko ba siyang ayain? Paano kung tarayan na naman ako? Eh kung hindi siya kumain at mag-mukmok na lang magdamag? Hindi pwede 'yun! She still has medicines to take, skipping a meal is not an option. I let out a long sigh then knocked three times. Walang sagot.

"C-courtney?" mahinang tawag ko, pero hindi pa rin siya sumagot.

"CJ, its time for dinner. You can't skip it, may iinumin ka pang gamot" mas malakas na tawag ko pero wala pa rin siyang imik.

"Sige na, ako ng may kasalanan. S-sorry na" muli akong kumatok. Kumunot na ang noo ko, nakaka-halata na yata ako. Pinag-lalaruan ba ako ng babaeng 'to?

"CJ ano ba! Na-iinis na ko ah!" bigla kong pinihit ang seradura at malakas na itinulak ang pinto.

Lalong kumunot ang noo ko. Mukha pala akong tangang daldal ng daldal sa labas eh wala naman palang tao. Napa-iling nalang ako at muling kinabig pasara ang pinto.

I searched for her everywhere, living room, kitchen, entertainment room, lanai, pati sa kwadra ng mga kabayo pero wala ni anino niya.

Na-aasar na tumuloy ako sa rose garden kung saan nag-handa ng munting salo-salo.

Imagine my surprise when I saw her sitting comfortably while sipping my favorite wine. Hindi lang 'yun, naka-ngiti pa siya at parang tuwang-tuwa sa ka-usap niya. Na walang iba kundi si Salvador!

Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking ulo ng dukutin ni Ador ang kanyang panyo at walang ka-abog-abog na pinunasan ang gilid ng labi ni Courtney! At ang prinsesang gala, kinuha pa panyo at muling pinunasan ang kanyang labi!

I lost it, my temper went somewhere only God knows.

"Courtney Jacinto!" na-tawag ko ang pansin ng lahat dahil sa lakas ng boses ko. Inirapan lang naman ako ng prinsesa nyo.

"What do you think you're doing? Kalalabas mo pa lang ng ospital nag-iinom ka na!" kinuha ko sa kamay niya ang baso na halos wala ng laman.

"Ano bang problema mo! Para wine lang, ang O.A. mo talaga!" angil na rin niya sa'kin. Hinila ko ang kamay niya pabalik sa mansyon.

"Hoy! Ano ba Brix! Let me go!" nagpu-pumilit siyang makawala sa kapit ko, hindi ko siya pinakinggan at nag pa-tuloy sa pag-lalakad.

Naramdaman ko ang pag-dampi ng isang palad sa balikat ko. Alam kong hindi si Courtney ang may-ari ng kamay na iyon. Lumingon ako at nakitang si Ador ang pangahas.

"Young master, huwag nyo namang pilitin si CJ" naningkit ang mga mata ko, CJ lang ang tawag niya sa prinsesa nyo! How dare him! Tuluyang nawala ang lohikal kong pag-iisip at nag-dilim ang aking paningin.

Isang todo bigay na suntok ang pinakawalan ko papunta sa mukha ni Ador. Hindi naman ako nabigo at putok ang labing bumagsak siya sa sahig.

Pakiramdam ko isang bakal na kamay ang pumipiga sa puso ko ng iwaksi ni Courney ang kamay ko upang daluhan si Salvador.

"Ador, are you okay?" at parang hindi pa sapat ang sakit na nararamdaman ko, ang hawak paring panyo ni CJ ay ipinang-punas niya sa dumudugong labi ni Ador.

Alam nyo ba kung anong ibig sabihin noon? Indirect kiss! Putsa, nang dahil kay CJ kung ano-ano ng nai-isip ko. Nilapitan ko sila at sa unang pagkakataon, pinawakalan ko ang mga salitang:

"YOU'RE FIRED! Bukas na bukas din ayoko ng makikita ang pag-mumukha mo sa bahay na 'to!"

Cj suddenly stood up and without any warning, she hit my face. Sa lakas ng sampal niya bumaling sa kanan ang mukha ko. I felt the stinging pain.

"Ang sama talaga ng ugali mo! Dati rati ako lang, pero ibang usapan na kung pati kaibigan ko idadamay mo! I did not do anything to you! Pumayag akong tumira ka sa bahay namin kahit tutol ang kalooban ko! Kahit inis na inis ako sa'yo hindi ko kinontra ang parents ko dahil naawa ako sa'yo! But I was wrong, hindi dapat kinakaawaan ang tulad mo. Hindi ka pa na-kuntentong nasa'yo ang amor ni mommy pati kaibigan ko gusto mong layuan ko! Akala mo ba, hindi ko alam na sinisiraan mo ang barkada ko sa kanila. Pati si daddy! Alam ko kahit hindi niya pinapakita at sinasabi hangang-hanga siya sa talino mo! Sa sipag mo! Ikaw na! Gusto mo lahat ng atensyon sa'yo lang! Simula noon hanggang ngayon lagi mo nalang akong sinasaktan. And you know what? Pinag-sisisisihan ko ang araw na iniligtas mo ako sa tuta na 'yun. Cause right now, I HATE YOU. And I can't do anything about it." A single teardrop fell from her eye.

Lahat ng sinabi niya parang pinupukpok ang puso ko, hindi ko inakalang nasasaktan ko siya ng hindi ko namamalayan. Gusto kong kumuha ng kutsilyo at saktan ang sarili ko para hindi na siya masaktan.

Para kahit pa'no lumigaya na ang mahal kong prinsesa.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Where stories live. Discover now