Road Trip

8.8K 352 44
                                    

-CJ's POV-

After that humiliating incident, I avoided Brix. So far, it was successful. Tatlong araw  ko nang hindi nakikita ang pagmumukha niya.

At si Jin? Ayan pa rin, laging nakasunod sa akin.

“Gusto mo mamasyal?” In fairness, humuhusay ang tagalog niya.

“Are you asking me out on a date?” Taas-kilay na tanong ko.

“You see, panalo ako two tickets sa enchanted kingdom. So if you want...”

“EK huh… not bad, may motor ka ba?” Parang magandang mag-road trip ngayon sa laguna.

“I do, but hindi ba mas comfortable if we use a car?” Tiningnan ko siya ng masama.

“Eh sa gusto kong mag-road trip me reklamo?!” Mataray na sabi ko at may kasama pang irap.

“Oops, teka lang. What is this road trip we’re hearing huh?” Biglang sumulpot ang kambal.

“Aba CJ, lumalakad ka na ba ngayon nang hindi kami kasama?” Nagdududang tanong ni Dylan.

“Oh no, don’t tell me you already have something for Jin?” Dagdag intriga ni Drake.

“I like that dude!” Bulalas naman ni Jin, nag-high pa silang tatlo.

“Mga ulol! Hoy, baka akala nyo nakalimutan ko na ang ginawa niyo behind my back huh?! At ikaw! Huwag kang feeling Jin!” Sabay-sabay naman silang nagtaas ng mga kamay tanda ng pagsuko.

“Hmp, mabuti pa i-text niyo  na sina Jake, Luke, Earl ,Adrian at Fox para maka-alis na tayo.”

“Yes boss!” Sumaludo pa ang kambal bago kinuha ang kanya-kanyang cellphone at nagpaka-abala sa pagpipindot. Habang ako ay kinuha ang ipad at naglaro, nagpaalam naman si Jin na kukunin ang motor niya.

Makalipas ang sampung minuto nagsalita ang kambal.

“Hindi daw makakasama si Luke, may family dinner.”

“Si Adriane may date daw.”

“Si Fox hindi pwede kasi may tournament bukas.”

“Si Earl nasa inter-school IQ competition pa.”

“At si Jake hindi nasagot but if I remember it right nasa flight siya papuntang japan for his granpa’s birthday.”

“Tss, masyado silang busy-bisihan. Hayaan niyo na nga, we better get going bago pa lumubog ang araw.”

Nakasalubong namin si Jin palabas ng school kaya nagtuloy-tuloy na kami. Mahigit dalawang oras din ang pagmamaneho, paminsan-minsan ay tumitigil kami para magpahinga at damhin na rin ang kalikasan. Bihira lang kami makalabas ng Maynila kaya sinasamantala na namin ito.

It’s almost six PM when we arrived at EK, good thing it’s not really crowded ‘cause it’s a weekday. Hindi na namin namalayang a las onse na pala dahil nag-enjoy kami sa rides at halos lahat ay napasok o nasakyan na namin liban nalang sa haunted house. I’m not really scared but I think it’s already time to go home, I’m good girl you know.

“Uwi na tayo, gutom na rin ako.” Aya ko sa kanila.

“Wait, meron pa tayong hindi na-try. The haunted house.” Biglang sabi ni Jin, gusto ko siyang busalan para hindi na makapagsalita pa. Naka-ngiti pa ang walang’ya habang sinasabi ‘yun.

“Late na oh, hinahanap na ‘ko ng parents ko.” Kontra ko pa, tumawa naman ng nakakaloko ang kambal.

“Si CJ? Natatakot sa parents niya? Wow! Bago ‘yun ah!” Pang-aalaska ni Drake.

“Isa pa sabi mo tomorrow night pa dadating sina tito’t tita from Canada.” Ngising-aso pang gatol ni Dylan.

“Aba! Malay ko kung bigla silang umuwi. Isa pa, alam niyo namang may ‘reporter’ sa bahay namin.” Na-iinis nang sabi ko.

“Asus! Natatakot ka—“

Agad kong pinutol ang sinasabi ni Dylan “Sinong natatakot?! Sapakin ko kayo d’yan eh, kung gusto niyo dito pa tayo matulog. Halina nga kayo para lang matahimik ‘yang mga bunganga niyo. Sinong takot ha? Pekeng m-multo lang naman ang nandyan sa haunted house na ‘yan!” At nagpati-una na ako sa paglalakad.

Pero habang papalapit ay bumabagal ang bawat hakbang ko, na-una na nga ang pasaway na kambal. Nagpustahan pa kung sinong mau-una sa finish line. Tumigil ako nang nasa tapat na ako ng pinto, may nakakahilakbot na tunog ang maririnig mula sa loob, maraming nagtitilian at may nakita pa akong red lady hindi pa man ako nakakapasok.

I took a step back, maybe it’s fine if I’ll just wait for them here? But before I can took another step, a warm hand held my cold fingers.

“It’s okay Courtney. I won’t let go of your hand.” Jin assured me, then smiled sincerely.

Bakit parang bigla siyang naging gwapo sa paningin ko?

Nagsimula kaming maglakad, sa bawat hakbang mas humihigpit ang kapit ko sa kamay niya. Tiyanak, manananggal, kapre, aswang, duwende, tikbalang, demonyo at kung ano-ano pang nakakatakot na nilalang ang nakasalubong namin. Isang beses may nasapak pa ako dahil sa sobrang gulat, kasi naman bigla nalang bumulaga sa harap ko. Natakot yata sa’kin, kumaripas palayo eh.

Hindi ko kinaya ang tumatakbong pari papunta sa amin, walang direksyon ang kanyang mga hakbang. Nai-intindihan ko naman, dahil wala sa tamang lugar ang kanyang ulo! Imbes na nasa taas ng leeg, hawak niya iyon at tumutulo pa ang dugo sa kanyang mga kamay. My breathing became uneven, my heartbeat was racing. Nang malapit na ang nakakakilabot na nilalang sa’min hindi ko na napigilan ang takot ko kaya impit akong sumigaw at pikit matang yumakap kay Jin.

Agad ko namang naramdaman nang lumapat ang mga kamay niya sa aking likod, na para bang pino-protektahan ako. Natigilan ako, halos kalahating minuto rin kaming hindi kumilos. I slowly looked up, I found Jin looking at me. His eyes was dancing, he’s making fun of me!

Mabilis pa sa a las quatro’ng itinulak ko siya tsaka tinarayan.

“Are you laughing at me?” Ngayon pati ang labi niya ay naka-ngiti na rin.

“No,” kaila pa ng gunggong.

“In denial ka pa eh, naka-ngiti ka pa nga! Pati mata mo oh!” Dinuro ko siya.

“I was just amused, you know, I didn’t expect to see you… well, scared.” Nagkakamot pa siya sa batok habang nagpapaliwang.

“Tse! Bilisan na nga natin para maka-uwi na tayo!” Hinila ko siya sa kamay at nagtatakbo palabas ng bangungot ko.

Dahil hating-gabi na at pagod na rin kami para magmaneho, napagkasunduan naming sa hotel nalang matulog at bukas na ng umaga umuwi. Tig-isa kami ng kwarto ni Jin habang magkasama naman ang kambal sa isang kwarto. Naligo muna ako at nagpatuyo ng buhok bago nahiga. Paglapat ng likod ko sa malambot na kama ay agad akong nakatulog.

A las seis ng umaga ng magising ako, mabilis akong bumangon at naligo. Agaran ang kilos ko, dapat gisingin ko na sila para makahabol pa kami sa eskwela. Pagbukas ko ng pinto natigilan ako dahil may nakadikit sa seradura, isang long-stemmed yellow rose. May kasama pa iyong note.

‘Good morning pretty Courtney, we’ll be waiting at the café. Jin’

I just had to stop and smell the rose. A sweet smile glued on my face.

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon