Selective Amnesia

5.9K 237 20
                                    

<CJ's 'POV>

Sunod sunod na ring ng teleponong nakapatong sa mesa kalapit ng aking kama ang gumising sa akin. Tinatamad na sinagot ko iyon, sigaw nina Dylan at Drake ang bumungad sa tenga ko.

"CJ bilisan mo! Pumunta ka na dito sa ospital! ASAP!"

"Hurry up! Gising na si Jin!"

Napabalikwas ako ng bangon sa huling sinabi ng kambal.

"R-really?! How is he?" relief flooded to my heart.

"Dito nalang namin sasabihin! Dalian mo!" pagkatapos ay naputol na ang linya, nag-kukumahog naman akong bumangon at naligo.

Halos paliparin ko ang aking motor makarating lamang ora mismo sa ospital. Nakasalubong ko si Drake na may bitbit na supot ng pagkain, agad ko siyang nilapitan at inusisa.

"Kamusta si Jin? Anong nararamdaman niya?"

"The doctor already checked him. Maayos daw naman ang lagay nya, pero..."

"Anong pero?!" kinakabahang tanong ko.

"...may amnesia si Jin, CJ" napa-pikit ako ng mariin, ilang beses na huminga ng malalim upang pigilin ang galit na bumabangon para sa'king sarili.

"Don't worry too much, kahit naman may sakit siya parang wala namang nangyari. Makulit at masayahin pa din eh. But you know, he remembers you. Even his family, parang itong past few months na nakilala n'ya tayo ang nakalimutan nya, well, except you. Kanina ka pa nga niya hinihintay" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, hindi makapaniwala.

"P-paanong?—"

"Selective amnesia, 'yun daw ang kundisyon nya ngayon." Muli nakahinga ako ng maluwag, kung ganun hindi naman pala masyadong malaki ang damage sa memorya ng loko.

"Halika na" aya nya sa'kin at na-una ng maglakad.

Tahimik na nanonood ng TV sina Dylan at Jin ng buksan namin ang pinto. Kumunot ang noo ko.

"Dylan! Pwede na bang manood ng TV si Jin?" kastigo ko sa bantay, napakamot nalang siya sa batok.

"Kakabukas lang naman namin, malapit na 'yung ina-abangan kong anime eh" katwiran pa niya.

"Mabuti pa umuwi na kayo at sa bahay nalang manood. Ako na'ng mag-babantay dito" nagkibit lang siya ng balikat at inaya ang kakambal. Lumapit naman ako sa kama ni Jin para kamustahin siya.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"I'm sorry Cori, for making you worry" lumambot naman ang ekspreyon ko at pinisil ang kamay niya.

"It's okay Jin, what's important is you're perfectly fine now. Maybe after a week papayagan ka nang maka-uwi ng doctor"

"Ikaw? How are you? Sabi ng friends mo I was in a coma for a while now"

"Ok lang ako. I'm really sorry... I was wrong—"

"No Cori, ako ang may kasalanan. I should have been more understanding, hindi dapat big deal yung hindi mo pag-punta sa date natin." Regret was written on his face.

"What?" pa-anas kong tanong, nalilito.

"Yes, I must admit. I was very angry at that time, kaya kasalanan ko why our car collided to that tree..."

M.I.F.P. (PUBLISHED under Lovelink)Where stories live. Discover now