Part 31

1.1K 64 26
                                    

Dean's POV

Paglabas ko ng office ni Jema napabuntong hininga ako

Sa wakas nasabi ko na din!

Yung totoo kagabi ko pa talaga pinag-iisipan to at buo na yung desisyon ko, baka kasi mas lalo akong mahulog kay Jema

Naglakad ako papunta sa table ni Carly

"Dean, kape tayo" aya nya sakin

Ngumiti ako at tumango

"Sige lang, thank you" sabi ko

"Oh, bakit parang sad boy yan?" tanong nya sakin

"Heheh, magpapaalam lang sana ako sayo, nagpaalam na kasi ako kay Jema na ngayon na yung last day ko sa pagtatrabaho sakanya"

Tumingin sya sakin

"Weh? T-Totoo yan?" tanong nya

Tumango ako

"Alam ko na kung bakit ka nagresign..."

Napangiti ako

"Para iwasan sya diba??" tanong nya

Tumango ako

"G-Ganon na nga, heheh!" sagot ko

"Hay naku Dean! Pero alam mo, kahit saglit ka lang nagtrabaho dito mamimiss kita" sabi nya

"Ako din naman, heheh! Pero magkikita pa naman tayo, kung kailangan mo ng taxi driver tawagan mo lang ako, heheh!"

"Ay oo nga pala, pahingi ng number mo" sabi nya, hinawakan nya yung phone nya at inabot iyon saakin, linuha ko iyon at tinype ko yung number ko

"Ito na" sabi ko sabay abot ng phone nya, "Ikaw na yung mag save" dagdag ko pa

"Sige, thank you!"

Nakipagkwentuhan lang ako kay Carly, ilang oras pa yung lumipas at nag-aya ng umuwi si Jema

Habang nasa byahe kami pansin ko yung pananahimik nya

Nakatingin lang sya sa labas at para bang ang lalim ng iniisip

Baka iniisip yung business nya? O kaya si Fhen...

Kumirot yung puso ko

Pagdating namin sa parking area ng condo nya bumaba na ako pagkatapos pinagbuksan ko sya

Nang makababa sya nagkatinginan kaming dalawa

Pilit akong ngumiti pagkatapos inabot ko sakanya yung susi

"I-Ibabalik ko na to sayo"

Kinuha nya yung susi at nagulat ako nang lumapit sya sakin at bigla nya akong yakapin

"Thank you" bulong nya

Napangiti ako pagkatapos niyakap ko sya pabalik

Baka kasi hindi na maulit...

"Ingat lagi" bulong ko din sakanya

Humiwalay sya sakin at tiningnan nya ako sa mukha

"Basta kapag kailangan kita--"

"Oo naman! Basta sabihan mo lang ako" putol ko sa sasabihin nya

"Promise?"

Tumango ako sabay ngiti

"Promise!" sagot ko

May kinuha sya sa bag nya

"Ito na nga pala yung sweldo mo" sabi nya

Kinuha ko iyon

"Thank you.... S-Sige, uuwi na ako" paalam ko sakanya pagkatapos tumalikod na ako at naglakad palayo

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon