Part 7

519 34 2
                                    

Jema's POV

Habang nagbabasa ako ng mga documents biglang bumukas yung pinto at nakita ko yung mukha ni Dean

"Mam, pinapatawag mo daw po ako?" tanong nya sakin

Parang maganda yung mood nya ngayon ha, anong meron??

Eh anong pake ko ba?!

"Magkikita-kita kami ng mga kaibigan ko mamaya sa BGC, doon kami magla-lunch" sagot ko

"Okay po, yun lang po ba?" tanong nya sakin

Ibinaba ko yung binabasa ko at tumingin ako sakanya

"Dean, lilinawin ko lang sayo, dapat walang makakaalam dito sa office na driver lang kita, dapat alam nilang lahat na ikaw yung bago kong boyfriend, naiintindihan mo ba??"

Dahan-dahan syang tumango

"S-Sige po"

Pinagmasdan ko yung suot nya at ngayon ko lang napansin na naka polo lang sya, sobrang simple lang talaga ng suot nya

"Saka next time magsuot ka naman ng disenteng damit" sabi ko pagkatapos ibinalik ko yung tingin ko sa binabasa ko

"Grabe ka naman. Disente na po to para sakin Mam, h-hindi naman kasi ako mayaman tulad nyo" sabi nya kaya napatingin uli ako sakanya

"Ibig kong sabihin yung maayos naman!"

"S-Sige po, kapag sumahod ako bibili po ako" sagot nya

Napailing nalang ako pagkatapos ibinalik ko ulit yung tingin ko sa binabasa ko

Ilang minuto pa yung lumipas at napansin kong nakatayo parin si Dean kaya tumingin ako sakanya

"Tatayo ka lang ba talaga dyan?! Umupo ka don!" utos ko sakanya sabay turo sa sofa

Agad naman syang sumunod

Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sakanya, siguro dahil hindi naging maganda yung una naming pagkikita, saka siguro mas sanay lang ako na si Fhen yung nakakasama ko

Nakaramdam nanaman ako ng lungkot

Kasi naman eh!

Tumayo ako para mag CR, kailangan kong maghilamos

Pagpasok ko sa CR bigla nalang tulo yung luha ko kaya agad akong naghilamos

Fhen naman kasi! Bakit mo naman ako iniwan!

Tiningnan ko yung mukha ko sa salamin

Hindi naman ako pangit ha! Maganda ako, mayaman, ano pa bang wala sakin?!

Naghilamos ulit ako dahil may pumatak nanaman na luha

Nababaliw na siguro ako!

Maya-maya bumalik na ako sa pwesto ko, napatingin ako kay Dean at nakita kong nagbabasa sya ng news paper.

Tumingin ako sa relo ko

11 AM na pala

"Dean, aalis na tayo"

Inayos ko na yung mga gamit ko

"Opo Mam"

Tumayo na din sya at lumapit sakin, iniabot ko naman sa kanya yung bag ko

"Hintayin mo nalang ako sa parking" utos ko sakanya

"Pano sila maniniwala na girlfriend kita kung hindi tayo magkasabay na lumabas?" tanong nya

Napapikit ako dahil nakaramdam nanaman ako ng inis

"K.fine! Sabay na tayo! Pero sa likod ka lang!" sabi ko sakanya

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon