Part 22

689 56 22
                                    

Dean's POV

Habang naglalambingan--este nagkukulitan kami ni Jema biglang sumulpot si Fhen

"J-Jema"

Napaupo ako sabay tingin sakanya

"Fhen, bakit?" tanong ni Jema

"A-Ahh, dinner muna tayo, nakaready na kasi yung dinner" sagot ni Fhen

Sakto! Nagugutom na ako!

Tumayo ako at inalalayan kong tumayo si Jema

"Tara" aya ni Jema

Habang naglalakad kami papunta sa restaurant nagsalita si Fhen

"Jema, bukas 9 AM yung meeting natin"

"Okay" sabi ni Jema

Oo nga pala, hanggang anong oras kaya sila bukas??

Tumingin ako kay Jema

"Babe, hanggang anong oras yung meeting nyo bukas?" tanong ko

"Ah, baka hanggang 5 PM, hindi ko sure, depende" sagot ni Jema sakin

"Ibig sabihin mag-isa lang akong mamasyal bukas?"

Kinurot ni Jema yung pisngi ko

"Kaya magbe-behave ka, okay?"

Ngumiti ako

"Okay B!" sabi ko

"*Ehem! A-Ano, mauna na pala kayo, m-may kukunin lang ako sa hotel" paalam ni Fhen pagkatapos umalis na sya

Napangisi ako

Selos ka lang eh!

"Nagselos yon" sabi ni Jema, nakatingin din sya kay Fhen na naglalakad palayo

"Talagang magseselos yon, pogi ba naman ng ipinalit mo eh, tapos sweet pa" sabi ko

Tumingin sya sakin

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

Natawa ako

"Hahah! Honest lang!"

"Ewan! Tara na nga, nagugutom na ako eh" sabi nya pagkatapos nauna na syang maglakad

Pagdating namin sa reastaurant agad akong kumuha ng pagkaen, syempre pinagsilbihan ko uli si Jema

Sweet ko diba? Heheh!

Habang kumakaen kami ni Jema nakita kong pumasok si Fhen, kasama na nya si Jen

Halata yung lungkot sa mukha ni Fhen

Ano kayang nangyare? Nag-away ata sila??

"Dean" tawag sakin ni Jema

"B-Bakit?"

"Gusto kong uminom bukas ng gabi, inom tayo? Last night na natin dito bukas kaya gusto kong sulitin"

Bigla kong naalala yung nangyare samin ni Jema nung huli syang nalasing

"W-Wag na.." sabi ko

"Bakit naman? Iinom lang naman, chill lang"

"Ayoko"

"Hala... bakit?!"

Inilapag ko yung kutsara ko pagkatapos napakamot ako sa sintido ko

"Basta Jema, ibang klase ka kapag nalalasing eh!" sagot ko

"B-Bakit? Ano ba ako kapag nalalasing ako? Wala naman akong ginagawa"

"Wala daw..." bulong ko

"Ano?"

For The First TimeWhere stories live. Discover now