Part 25

851 60 26
                                    

Jema's POV

Nang makauwi ako sa condo ko agad akong nagpahinga, dumeretso ako sa kwarto ko at nahiga sa kama

Ano kayang nangyare may Dean? Bakit parang sobrang tahimik naman ata kanina? Hindi ako sanay...

Dibale, baka bukas okay na sya, sana...  nakakamiss din pala yon kapag hindi maingay

Napangiti ako dahil naalala ko nanaman yung paghalik nya sa noo ko kagabi

Haha! Baliw talaga...

Kinuha ko yung unan ko at niyakap ko iyon

Maya-maya lang at nakatulog ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ring! Ring! Ring!

Nagising ako nang narinig ko yung tunog ng phone ko

Sino to?! Natutulog yung tao eh!

Tumingin ako sa orasan

8 PM na pala...

Kunot noo kong kinuha yung phone ko, nang makita ko kung sino yung tumatawag bigla akong napabalikwas

Si Fhen!

Agad kong sinagot yung tawag nya

"H-Hello?"

"Jema?"

"B-Bakit? Bakit ka napatawag?" tanong ko sakanya

"Sorry, nagising ba kita?"

Oo 🙄 char!

"H-Hindi naman, sakto lang naman na kakagising ko lang" pagsisinungaling ko

"Ganon ba?"

"Oo, pero bakit ka napatawag?"

"Ahm... nandito kasi ako sa tapat ng pinto ng condo mo, heheh!" sagot nya

Bigla akong nataranta

"H-Ha?! W-Wait!"

Ibinaba ko yung phone ko

Nagmadali akong pumasok sa CR para maghilamos at mag toothbrush, pagkatapos kong maghilamos at mag toothbrush agad akong pumunta sa pintuan para pagbuksan si Fhen

"Hi!" bungad nya sakin habang nakangiti

May mga dala syang pagkaen at flowers

Napalunok ako

"T-Tuloy ka, ano nga palang ginagawa mo dito?"

"Wala, dadalawin lang kita" sagot nya pagkatapos pumasok na sya at derederetso na sya sa sala kaya sumunod ako sakanya

Nakita kong inilapag nya yung pagkaen pagkatapos humarap sya sakin

"Flowers for you.." sabi nya

Naguguluhan parin ako...

"T-Thank you, pero para saan to?"

"Gift ko sayo, heheh! Bumabawi lang ako" sagot nya

Sumeryoso yung mukha ko

"Pero pano si Jen?"

Ngumiti sya

"Kaya nga ako pumunta dito para sabihin sayong wala na kaming dalawa, nakapag-usap na din kami, sinabi kong hindi ko sya mahal at ikaw parin yung mahal ko..." sagot nya

Hindi ako nakapagsalita

Lumapit sya sakin at hinawakan nya yung kamay ko

"Malaya na ako Jema, p-pwede na ulit tayo, hiwalayan mo na si Dean kasi alam kong ako parin yung mahal mo..."

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon