Part 23

658 71 68
                                    

Jema's POV

Pagkatapos ng meeting namin lumapit sakin si Fhen

"Jema"

"Bakit?"

"Pwede ba tayong nag-usap?"

Bumilis yung tibok ng puso ko

"T-Tungkol saan?"

Nakita kong napalunok sya

"T-Tungkol satin"

Ito na ba yon??

"Jema, please..." pakiusap nya sakin

"O-Okay" pagpayag ko

"Sumunod ka sakin"

Nauna syang maglakad kaya sumunod ako sakanya

Maya-maya huminto si Fhen, napansin kong halos walang dumadaan na tao dito, malapit lang din kami sa hotel kung saan kami nag-i-stay

"Anong pag-uusapan natin?"

Tumingin sya sakin at kitang-kita ko yung pagbabago ng mukha nya, tumamlay yung mga mata nya

"J-Jema, a-alam kong kasalanan ko kung bakit tayo nagkahiwalay, n-nagsisisi ako k-kasi wala manlang akong ginawang paraan para masalba yung relasyon natin..."

Kumunot yung noo ko

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Jema, mahal na mahal parin kita, napilitan akong hiwalayan ka k-kasi..." huminga sya ng malalim, "K-Kasi ipinagkasundo ako ng daddy sa kababata ko... a-alam mo naman na hindi maganda yung trato ng daddy sayo diba?"

Tama yung sinabi nya, ayaw sakin ng daddy ni Fhen, ang mga kasundo ko lang ay yung mommy at mga kapatid nya

"Pinagbantaan ako ni daddy na wala akong makukuhang mana k-kapag hindi ko pinakasalan si Jen!"

"B-Bakit hindi mo sinabi??"

Nangilid yung luha ni Fhen

"Sorry..." hinawakan nya yung kamay ko, "Nasasaktan ako sobra kapag nakikita ko kayong dalawa ni Dean... s-sinasabi ko sa isip ko na sana ako nalang yung kasama mo..."

Napayuko ako, naiiyak ako pero pinipigilan ko lang

Hinawakan ni Fhen yung magkabilang pisngi ko at iniangat nya yung ulo ko kaya nagtama yung mga mata namin

"Mahal na mahal kita Jema... maghintay ka lang at kukunin kita sakanya"

Hinalikan nya ako sa labi kaya napapikit ako

Pero bakit ganito? Parang hindi na katulad ng dati yung pagkasabik ko sa halik nya...

Ilang sandali lang at lumayo na sya sakin, nakatingin parin ako sakanya

"Jema, mahal mo parin ako diba?" tanong nya sakin

"Mahal parin kita, pero ayusin mo muna yung problema mo..." sagot ko ngumiti sya at niyakap nya ako

"Promise!"

Pagkatapos naming mag-usap ni Fhen bumalik na ako sa hotel namin.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, diba dapat masaya ako kasi alam kong babalik na sakin si Fhen?

Pagpasok ko sa kwarto namin ni Dean iginala ko yung paningin ko

Nasaan nanaman kaya yung lalaking yon??

Dahil napagod yung isip ko dahil sa meeting namin kanina napagpasyahan kong maligo

Habang naliligo ako iniisip ko yung naging pag-uusap namin ni Fhen kanina

For The First TimeWhere stories live. Discover now