Part 8

499 33 1
                                    

Dean's POV

Bakit nga ba ako nandito ngayon sa restaurant??

Flashback...

Nang makalabas si Jema sa sasakyan lumabas na din ako para humanap ng makakainan

Hays! Wala manlang bang karinderya dito??

Mcdo nalang kaya o kaya Jollibee? Kaso ang layo ng lalakarin ko

Pero dibale na! Siguro naman matatagalan pa yon si Jema

Naglakad na ako para maghanap ng McDo o Jollibee

Ilang minuto pa yung lumipas at nakakita ako ng Jollibee

Okay na dito

Pumasok ako at pumila

Habang nakapila ako biglang tumunog yung phone ko

Baka si Jema na to

Kinuha ko sa bulsa yung phone ko

1 message
Ced

Si Ced, bakit kaya?

Binuksan ko yung message nya

****

From: Ced

Dean! Pumunta ka dito sa restaurant ngayon din! Bilisan mo!

******

Napakamot ako sa ulo ko

Ba yan! Nakapila na ako eh! Gutom na din ako eh!

Pero no choice!

Lumabas ako ng Jollibee at nagmadaling bumalik

Minuto lang din yung lumipas at nakarating na ako dito sa restaurant.

End of Flashback...

"Jema, ipakilala mo naman sya kila Fhen" sabi ni Jho

"A-Ah oo nga pala, babe si Fhen at si Jen"

Ngumiti ako

"Hi!" bati ko sakanila

Hi lang, heheh! Simplehan lang natin!

Pero ito pala si Fhen? Mukhang mabait naman sya

Naramdaman kong tumingin sakin si Jema

"B-Babe, kumaen kana ba?"

Tumingin ako sakanya kaya nagtama yung mga mata namin

"Hindi pa babe" sagot ko

"*Ehem! Share nalang tayo dito" sabi nya

Napatingin ako sa pagkaen nya at biglang nawala yung ngiti

"G-Gulay??"

Kumakaen din naman ako ng gulay pero pili lang!

"Bakit Dean, hindi ka ba kumakaen ng gulay??" tanong ni Ced saakin

Tumingin ako kay Jema

Naku! Baka isipin nito sobrang arte ko!

Napalunok ako

"Haha! Mukhang hindi kumakaen ng gulay yung boyfriend mo Jema, mabuti pa yung boyfriend ko walang arte" sabi ni Jen

Dean, kayanin mo para hindi mapahiya si Jema!

"Babe, hindi ka ba kumakaen ng gulay?" tanong sakin ni Jema

"Uhm, pili lang babe" sagot ko sabay pout

"Kainin mo to, please!" pagpapacute nya sakin

Alam kong ginagawa nya lang to para pagselosin si Fhen

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon