Part 27

741 55 15
                                    

Jema's POV

Pagkatapos naming maglunch agad kaming bumalik sa office

"Love, hindi na ako bababa, kailangan ko din kasing bumalik sa office" sabi ni Fhen sakin nang makarating kami sa tapat ng building ng office namin

"Okay lang love, susunduin mo ba ako mamaya?" tanong ko sakanya

"Hmm, oo naman" sagot nya kaya napangiti ako

"Sige, hihintayin kita, okay?"

"Sige love, I love you!" sabi nya sabay halik sa labi ko pero smack lang

"Bababa na kami love, ingat ka sa pagdadrive"

Tumango sya

Nang makababa kami ng sasakyan agad na umalis si Fhen

Napatingin ako kay Dean, seryoso lang yung mukha nya, nasa tabi nya naman si Carly

"Tara na" aya ko sakanila, nauna na akong maglakad sakanila pero pinapakiramdaman ko silang dalawa

Ano na kaya yung nga napag-usapan nila?? Kanina kasi habang nasa restaurant kami parang ang saya-saya nilang dalawa

Nagkakapalagayan na kaya sila ng loob?

"Dean, gusto mong sumama samin mamaya?" rinig kong tanong ni Carly

"Saan?" tanong din ni Dean

"Lalabas kasi kami ng mga kapatid ko mamayang gabi, baka lang gusto mong sumama, heheh!"

Napairap ako

"Sige ba! Wala din naman akong gagawin mamayang gabi eh" sagot ni Dean

"Sabi mo yan ha!"

"Oo naman, saka gusto ko din makilala yung mga kapatid mo, heheh! Magpapalakas ako, Ayiee!"

Korni! 🙄

"Hahah! Ikaw talaga!"

"Pero mababait ba sila?"

"Oo naman! Mababait yung mga kapatid ko, heheh!" sagot ni Carly

"Sige, sabi mo yan ha!"

"Oo nga! Baka kapag nakilala ka non baka palagi ka na nilang hanapin sakin"

Natawa si Dean

"Sige na, sasama na nga ako, heheh!"

Tanghaling tapat naglalandian 🙄

Binilisan ko yung paglalakad ko para hindi ko na sila marinig

Nang makarating ako sa office ko biglang tumunog yung phone ko

***Mafe Calling***

"Bakit napatawag ka?" sagot ko sa tawag nya

"Ate naman, pwede bang mag-hello ka muna?"

Napairap ako

"Oh Edi hello!"

"Wow! Parang utang na loob ko pa yung pag-hello mo..."

"Talaga! Eh bakit ka ba kasi napatawag? Pwede namang mag text ka nalang?"

"Ang sungit mo naman ngayon ate! Meron ka ba?!" tanong nya

"Wala! Sabihin mo na kasi kung anong kailangan mo??!" tanong ko sakanya

"Eh kasi ate birthday ko bukas"

Napahawak ako sa noo ko

Shit! Oo nga pala, May 11 nga pala yung birthday ng bruhang to!

"Baka pwedeng umuwi ka naman dito at bigyan mo ako ng regalo" dagdag nya pa

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon