Part 30

1.3K 67 41
                                    

Jema's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko at nagpapahinga, maya-maya biglang tumunog yung phone ko

Kinuha ko iyon dahil baka si Fhen na, pero nagkamali ako dahil si Dean pala yung nag message

📱
From: Dean Wong

Hi Jema, nakauwi na ako 😊, thank you nga pala sa sapatos 😊🤗🥰
📱

Napangiti ako dahil sa message nya

Binili ko yon kasabay ng sapatos ni Mafe, wala lang, gusto ko lang syang bigyan bilang pasasalamat

Nireplyan ko si Dean

📱
To: Dean Wong

Welcome! 😌
📱

Pinagmasdan ko lang yung phone ko, baka kasi magreply pa sya

Maya-maya napapikit na ako hanggang sa tuluyan na akong nakatulog

KINABUKASAN...

Maaga akong nagising dahil kailangan kong pumasok ng maaga sa office

Tiningnan ko muna yung phone ko at nakita kong may 10 missed calls si Fhen, meron din syang 2 messages.

Hindinna pala nakapagreply kagabi si Dean, baka nakatulog din?

Binasa ko lang yung message ni Fhen, sinabi nya lang na babalik na daw sya mamaya dito sa Manila, natapos daw kasi kaagad yung pakay nila doon

Napangiti ako

Buti naman at makikita ko na ulit sya!

Mamaya ko na sya tatawagan, kailangan ko ng mag-asikaso

Bago ko bitawan yung phone ko nakita kong nag message si Dean

Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng pagkasabik na mabasa iyon

Ano ba Jema?! Umayos ka nga!

Binuksan ko iyon at binasa

📱
From: Dean Wong

Good Morning Jema, nandito na ako sa parking area, wait nalang kita dito 😊
📱

Okay...

Hindi ko na sya nireplyan, dumeretso na ako sa CR para maligo

Isang oras pa yung lumipas at ready na ako

Kinuha ko yung mga gamit ko at lumabas na ako ng condo ko

Nang makarating ako ng parking nakita ko si Dean na pinupunasan yung sasakyan ko

Napatingin ako sa paa nya at nakita kong suot na ny yung sapatos na bigay ko

"*Ehem!" kunwareng ubo ko kaya napalingon sya sakin sabay ngiti

"Nandyan kana pala, heheh! G-Good Morning!" bati nya sakin

"Morning!" bati ko din sakanya pagkatapos tinuro ko yung sapatos, "Buti naman at sinuot mo yan" sabi ko

"Heheh! bagay ba??" tanong nya sakin

Tumango ako

Sabi ko na eh, bagay sakany yang sapatos

"Bagay!" sagot ko

"Edi mas lalo akong pumogi nito?!" tanong nya ulit sakin kaya natawa ako

"Kapal talaga, tara na nga"

Natawa ulit sya

"Ayaw pa kasing aminin..." parinig nya sabay bukas ng pintuan

Ewan ko sayo...

For The First TimeWhere stories live. Discover now