Part 21

720 57 16
                                    

Jema's POV

Natawa ako dahil sa itsura ng mukha ni Dean

"Hahah! Osya, maliligo lang ako, dyan ka lang, wag mo akong masyadong pagmasdan ha, baka mahulog ka, masasaktan ka lang" sabi ko sakanya pagkatapos naglakad na ako papunta sa dagat

Habang naliligo ako bigla akong napaisip

Tama ba yung sinabi ko sakanya? Siguro naman hindi sya mahuhulog sakin diba?

Umiling ako

Bakit ko ba iniisip yon?

Tumingin ako sa lugar kung saan ko iniwan si Dean, kumunot yung noo ko nang hindi ko sya nakita doon

Nasaan nanaman yon?! Sabing wag aalis don eh!

Umahon ako sa tubig at hinanap ko sya

Maya-maya natanaw ko sya at may kasama syang babae

Aba!

Teka, si Carly ba yung kasama nya??

Ewan, bigla akong nainis, siguro naiinis lang ako dahil hindi nya ako sinunod?

"Dean!" tawag mo sakanya

Lumingon sya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay

Sabing wag masyadong didikit kay Carly eh!

Naglakad ako palapit sakanila pagkatapos tumingin ako kay Carly

"Kasama mo pala si Carly?" tanong ko

"Hi Mam Jema, heheh! Sinasamahan ko lang si Dean, nakita ko kasi na naglalakad sya mag-isa" sabi ni Carly

Hindi ko tinatanong...

"Ganon ba? Pwede bang iwanan mo muna kaming dalawa?"

"Okay po" sabi ni Carly, tumingin muna sya kay Dean bago umalis

"Diba ang sabi ko wag kang aalis don? Bakit ka umalis?" tanong ko sakanya nang makalayo si Carly samin

"W-Wala, nakakabagot kasi eh" sagot nya

"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko

Naiinis talaga ako eh!

Nagulat nalang ako nang bigla nyang hapitin yung bewang ko at hinila nya ako palapit sakanya

Tumingin ako sakanya

"A-Anong ginagawa mo?"

"Nandyan sila Fhen!" bulong nya sakin

"Ow!"

Mabilis akong yumakap kay Dean

"W-Wag ka ng magalit babe, okay?" sabi nya sabay halik sa noo ko

Para bang may kakaiba akong naramdaman dahil sa ginawa nya pero hindi ko pinansin iyon

Tumingin ulit ako kay Dean

"Wag mo na kasi akong iiwan, naiinis ako kapag nawawala ka sa paningin ko eh!"

Nakagat nya yung labi nya sabay ngiti

"Promise babe!" sabi nya

Niyakap ko sya

Tumingin ako kay Fhen na naglalakad palayo samin

Kumirot nanaman yung puso ko

Nasasaktan nanaman ako

Parang gusto kong umiyak

Maya-maya lumayo ako kay Dean

"B-Babalik na ako sa hotel" paalam ko sakanya

Nang makabalik ako sa hotel agad akong nagshower

For The First TimeWhere stories live. Discover now