Part 11

604 43 1
                                    

Jema's POV

Nandito ako ngayon sa bar at kasama ko yung mga kaibigan ko

"Bes, sa Sunday na yung party ni Cy, malamang pupunta si Fhen don" sabi ni Kyla sakin

Oo nga pala, kahapon pinuntahan ako ng kaibigan ko na si Cy, may party sya sa Sunday at invited ako, nabanggit nya din na na-invite nya din daw si Fhen

"Sure akong kasama nya nanaman yung gf nya" sabi naman ni Jho

Uminom ako ng alak

Nakakainis naman kasi eh, anong gagawin ko?? Nagresign na si Dean!

"Pupunta ka parin ba Jema?" tanong ni Ced

"Oo naman, magtatampo yun kapag hindi akk pumunta" sagot ko

"Pupunta ka ng wala kang kasama? Magmumukha kang kawawa don, haha!" sabi ni Ced

Tumingin ako sakanya

"Bakit ikaw? May kasama ka ba??" tanong ko sakanya

"Meron! Si Red!" sagot nya sakin

"Jema, ano kaya kung pabalikin mo si Dean?" tanong ni Jho sakin

"Hindi na babalik yon!" sabi naman ni Ced

Napahilamos ako sa mukha ko

"Stress yan?! Hahah!" asar sakin ni Kyla

"Jema, gusto mo bang kausapin ko si Dean?" tanong ni Ced sakin

"Tulad nga ng sinabi mo, hindi na babalik yon" sagot ko sabay inom ng alak

"Kausapin mo kasi ng maayos, makipag-ayos ka" sabi nya

"Eh pano makikipag-ayos yan? Eh hindi nga kinakausap si Dean ng mahinahon, hahaha! Puro sila sigaw, kala mo naman mga bingi!" sabi ni Jho

"Eh naiinis ako eh!" inis na sabi ko

"Edi hindi ko na sya kakausapin??" tanong ni Ced sakin

Nag-isip ako

Ako nalang kaya yung kakausap??

Hays! Sige na nga! Bababaan ko na yung pride ko!

Uminom ako ng alak

"Ako nalang yung kakausap sakanya" sagot ko kay Ced

"Yun! Kakausapin din pala eh" sabi nya

Nag-inuman at kwentuhan kami magdamag hanggang sa pareparehas kaming nalasing maliban kay Ced

"Wait lang, tatawagan ko lang si Dean" sabi ni Ced

"Shige! Tutulog muna kami!" sabi ko pagkatapos yumuko ako sa lamesa

Maya-maya nakatulog na ako
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako nang may tumapik sakin

"Jema, dadalhin kana namin sa taxi ha" rinig kong sabi ni Ced

Naramdaman kong may humawak sa dalawang kamay ko

"Hmmmm!!! Ano ba?!" daing ko habang nakapikit

Natutulog yung tao eh!

"A-Ano bang gagawin nyo shakin?!" inis na tanong ko

Idinilat ko yung mga mata ko at tumingin ako sa kaliwa ko, tumaas yung isang kilay ko nang nakita ko si Dean

"O-Oh! Dean! Hahahaha! Ikaw pala yan! Long time no sheeee!!" sabi ko, nakita kong napangiwi sya

Mukhang galit parin ha!

"Akalain mo yan! Makikita ko pa pala yung pagmumukha nitong lalaking to!" dagdag ko pa

Pero hindi nya ako pinapansin! 🥹

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon