Part 14

891 60 27
                                    

Dean's POV

Paano nga ba ako napapayag ni Ced?

Tulad ng sinabi ko kay Jema pinagkampihan nila ako 😏

Flashback...

"Uhm, ano nga palang ipinunta nyo dito Ced?" tanong ko sakanya

"*Ehem! A-Ano kasi, makikiusap sana ako sayo na baka pwede mong mapagbigyan si Jema?"

Tumingin ako kila Tatay Dante at sa mga kaibigan ko

"Kahit hanggang bukas lang, samahan mo lang sya sa party"

Umupo ako sa tabi ni Tatay Dante

"Ano kasi Ced eh.. n-nakapagdesisyon na ako" sagot ko

"Please..." pakiusap nya ulit

Tumingin ako kay Tatay Dante pero nginitian nya lang ako

"Deans, papayag ka ba?" tanong ni Tots sakin

Huminga ako ng malalim

"Hindi" sagot ko pagkatapos timingin ako kay Ced, "Sorry pero yun na talaga yung desisyon ko"

Bumagsak yung balikat ni Ced

"*Ehem! Dean, hindi naman sa nakikialam ako ha, pero baka pwedeng pagbigyan mo na si Ced?" tanong ni Tots sakin, tumingin sya kay Ced at kinindatan nya ito

Tsk! Pasikat!

"Ayaw ko talaga" sagot ko

"Dean, diba may kasalanan ka din naman kung bakit nagalit si Jema sayo? Pagbigyan mo na" sabi naman ni Bei

"Oo nga anak, magsorry kana din dahil sa ginawa mo" sabi naman ni Tatay Dante

Haaaa??! Pati ba naman sya?!

"Dean, sige na! Please!" pakiusap ulit ni Ced

Napakamot ako sa ulo ko

"Pano kapag nag-away nanaman kami??!" tanong ko

"Hindi yan, kaming bahala" sagot ni Ced

Tumingin ako kay Tatay Dante at Kuya Jessie

"Sige na Deans, pagbigyan mo na sila, edi kapag naulit dun kana umayaw" sabi ni Kuya Jessie

Huminga ako ng malalim

Ano ba yan!

"Sige na, sige na! Payag na ako!" sagot ko

"Yess!!" sigaw nila

End of Flashback...

Kakatapos palang namin kumaen, at tulad ng sinabi ni Jema hindi sya umalis sa tabi ko

"Jema"

Tumingin sya sakin

"Bakit?"

"Uhm... gusto ko lang mag-sorry dahil don sa ginawa ko nung nakaraan"

Pinagmasdan nya muna yung mukha ko saka sya ngumiti

"Kalimutan mo na yon" sabi nya

Ngumiti at tumango lang ako

Maya-maya natanaw ko si Fhen at si Jen na naglalakad palapit samin

"Palapit dito yung ex mo" bulong ko kay Jema kaya umayos sya ng upo

"Hi!" bati samin ni Jen

Tumingin ako kay Jema at nakita kong seryoso nanaman yung mukha nya

Alam kong nasasaktan sya, pero ang tapang nya naman... siguro kung ako yan, magwo-walk out na ako!

For The First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon