35

4 0 0
                                    

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

PART 35 ⚠️

KAMATAYAN?


Kumakabog ang puso ko sa bawat hakbang na ginagawa ni Mang Lito. Kinakapos ako ng hininga at nanlalamig ang mga palad ko. Ni ang aking mga tuhod ay nanginginig habang nakatitig sa malalaking mga mata ni Mang Lito.

Nakakasindak.

Natatakot ako.

Hindi ko magawang tumakbo o ipaglaban lamang ang sarili ko. Napaka busy ng iba para protektahan ang sarili nila ngunit ako? Paano ko po-protektahan ang sarili ko laban sa killer na hindi manlang nakakaramdam ng konsesya sa isang tulad ko?

Natatakot ako.

Mahigpit ang kapit ko sa tela ng suot kong damit.

Shit.

Kahit subukan ko mang manglumaban ay wala akong magawa dahil hindi pwede.

Madadamay ang anak ko.

Hindi ako papayag at ayokong mangyari iyon..

"Ikaw ang punot dulo ng lahat ng ito!" Sabi ni Mang Lito sa akin hindi ako makapag-isip ng matino ng akma niya akong dudukutin ngunit dumating sa likod ko si Red. May hawak syang bakal.

"Subukan mong saktan si Jane kung hindi mamamatay karin katulad ng asawa mo!" humalakhak si Red.

"Satingin mo natatakot ako? Hindi! Bakit naman ako matatakot e wala na akong dahilan para mabuhay pa sa mundo kaya hanggat kaya ko gagawin ko ang gusto ko!" Mabilis nitong hinampas sa ulo si Mang lito at nabitawan ng matanda ang palakol.

Dahil sa ginagawa ni Red ay nakuha niya ang attention ni Josepher.

Galit na galit ang itsura ni Josepher habang nakatitig kay Red. Kinakabahan ako.

Natatakot ako baka kung ang ang gawin niya kay Red.

Hindi ako sanay satwing nakikitang ganito ang itsura niya dahil satwing nagtatama ang mga mata namin ni Josepher ay para bang bumibigat ang aking dibdib.

Kinuha ni Josepher sa bulsa ang isang itim na baril. Hindi ko aakalain na may isa pang baril!

"That's mine.." narinig ko ang usal ni Red habang pinapanood ang kamay ni Josepher na nilalaro ang isang baril na mapagtanto kong pag-aari pala ni Red.

"Paano napunta sayo yan!?"

Ngumisi ng mala demonyo si Josepher.

"Ofcourse kontrolado ko ang nasa paligid ko. Bago ako nambibiktima ng mga dayo ay pinaplano ko iyon ng mabuti kase hindi na rin bago sakin na ilan sa mga dayuhan ay may tinatagong baril sa kwarto nila" proud na sabi nito. "And I knew it, kaya pinangunahan na kita"

Ganoon pala katalino ang mga killer no? Iyong alam na alam na nila ang ginagawa nila at planado ang lahat ng mga kinikilos nila. Para bang nabuhay na sila ng ganoon ka tagal sa gawaing iyon.

"Satingin mo papalagpasin ko ito? You tried to kill my father, and I will never let anyone kill my family!" Ipinutok niya ang baril niya ngunit mabilis ang bawat kilos ni Red.

Nagtago siya sa likod ng punong kahoy at dahil madilim ang nasa ibang parte ay malaya itong nakapagtago.

Sinundan parin ni Josepher si Red sa kakahuyan samantalang ako. Nakatayo parin ako ron.

Sunod sunod ang putok na narinig ko sa buong kakahuyan ngunit kinakabahan ako dahil hindi ko alam na baka tinamaan na sya ng balang iyon. Walang ibang panlaban si Red.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now