23

28 0 0
                                    

PART 23⚠️

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

FEELINGS WEIRD

"You know it's insane" sabi nito saka pinahid ang ilang natirang luha sa mga mata. "Because
I love you "

Seryoso ang itsura ni Ara ng sabihin iyon harap harapan sa kaniya.

Umiwas sya ng tingin saka niya kinuha ang leather jacket niya at inihagis sa dalaga.

"Whatever you say I don't believe you, wear that jacket because I will go out and I'll be back after, I will give you a punishment for the wrong and shit on what you have done" sabi nito at sinunod niya ang sinabi ni Josepher.

Bagay na bagay kay Ara ang damit niya at saka niya pinulot ang mabigat na kadena at inilagay iyon sa babae.

Itinali niya ito sa kama at ini-lock ang pintuan.

Napailing iling nalamang sya habang naglalakad at hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Ara.

"Nakakapagtaka na hindi niya ako pinatay. Binigyan na sya ng pagkakataong makalaya pero hindi niya tinuloy. What is happening to her? Nasaan na ba ang utak niya?"

Dumating si Josepher sa kusina at nakita niya ang kanyang pamilya especially ang kaniyang kapatid.

Nanlilisik an ang mga mata nito at kitang kita mula sa kilos at itsura na gutom na gutom.

Nagwawala ito na parang baliw na baliw dahil sa matinding gutom. Pinagtulungan nilang itali sa kwarto si Joseph para hindi makawala dahil napakadelikado ng paligid kapag nahuli ang kapatid niya. Ayaw niya ulit maulit ang panahon na muntik na itong maputukan ng baril.

Gustong kumawala si Joseph sa mga kadenang nakagapos nito at malalakas ang mga sigaw nito pero hindi iyon ang naging dahilan para kaawaan niya ang kapatid. Ito lang ang tanging paraan na alam ng Tatay niya na makakatulong at magiging ligtas ang kapatid niya laban sa iba. Ngayon kailangan niyang pumunta sa bayan para salubungin ang ilang mga dayuhan
na nagtatangkang makita ang ganda ng kanilang lugar.

Pagdating niya sa bayan nakita niya ang limang tao na satingin niya ay mga kaidad lang niya.

Dalawang lalaki at tatlong babae.

"Ikaw ba si Josepher?" Tanong ng isang lalaki na satingin niya ay amoy mayaman.

"Ako nga"

"Omg! Ikaw iyong lalaking naka chat ko sa dating app hindi ba? Hindi ba ikaw-" hinila ng isang payat na babae ang mausisang dalagang iyon.

"Chelsea, pwede ba huwag mong lalandiin ang mga taga pronbisya-" hindi naituloy ng babae ang sasabihin ng inirapan naman ito ng babaeng nangangalang Chelsea.

"Ano bang pakealam mo huh? Kahit ba naman kinikilos ko binabantayan mo Pao"

Walang magawa ang babaeng nangangalang Pao kundi manahimik at matalim ang tingin kay Josepher.

"By the way, We here it because of vocation then we need accomodation" sabi naman ng lalaki. "By the way, I'm Rex, and this is Pauline, my cousin. And this is Chelsea, Sandy and Martin-my friends" pakilala nito.

"I'm Josepher guys just call me Jose or Sep" Sabi nito.

"I prefer to call you babe than Jose or Sep" sabi ni Chelsea at mapang-akit syang ini-eye to eye at napakagat sa ibabang labi.

Si Sandy at ang dalawang lalaki naman ay natawa samantalang si Pauline ay seryoso ang mukha habang tinitingnan si Josepher.

They seems have the same attitude of Jane. Tahimik at maganda.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now