30

16 0 0
                                    


HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

PART 30⚠️

SAKSI

-REX-

Napakamot sa ulo si Rex ng makapasok ulit sa kwarto ni Pauline. Nakita niya na mahimbing na natutulog ang pinsan at itong si Sandy at Martin naman ang natutulog sa sahig.

Sya lang ang gising sa kanila dahil hindi sya makatulog at galing lang sya sa kwarto niya para kunin iyong head phone at ito namang si Chelsea ay nasagupa niya pero bihis na bihis ang babaeng iyon at mukhang maylakad pa ng ganitong oras.

Isinuot niya ang headphone at isasara sana niya ang pintuan ng kwarto ni Pauline ng bigla nalang may kumatok ng malakas at paulit ulit kaya sinilip niya iyon ngunit tahimik lamang ang paligid ng mabuksan niya ito.

"Chelsea?" Wala syang narinig na tugon mula sa may-ari ng pangalan.

Pero hindi niya iyon binigyan ng ibang kahulugan kaya nag focus nalang sya sa paghahanap ng music sa cellphone nya ng bigla nalang sya nakaramdam ng malamig na hangin galing sa bintana.

"Ano ba yan, muntik ko ng makalimutang isara ang pintuan hays"

Lumapit sya para isara ang bintana ngunit isang liwanag ang natatanaw niya mula sa labas.

Sa di kalayuan natatanaw niya ang liwanag kaya naisipan niyang lumabas at nakalimutan niyang I lock ang pintuan.

Habang naglalakad sya ay hindi niya maiwasan ang ibaling ang tingin sa likod. Pakiramdam kase niya may sumusunod sa kaniya kaya inalis niya ang head phone at nag focus sa paglalakad pero may naririnig syang mga yabag na naging dahilan para manayo ang balahibo niya.

It's already 2 am na ng madaling araw at sigurado syang hindi parin bumabalik ang isa sa mga kaibigan niya. Hindi naman kase niya alam kung saan iyon pupunta at alam niyang mapanganib ang lugar kaya naisipan niyang alamin kung ano ang nasa likod ng liwanag na iyon.

Nakita niya mula sa dining table na nakaupo si Chelsea. Mukhang masaya ang kaibigan niya at nakita niya pa kung gaano ka ganda ang attire nito para sa isang romantic date.

Sino kaya ang ka date ni Chelsea?

Napakamot nalamang sya sa ulo dahil wala naman syang nakikitang ibang tao na kasama ng kaibigan niya.

Sino kaya ang date nitong si Chelsea? At ngayon ko lang nalaman na pwede rin palang mag date ng ganitong oras?

Naguguluhan sya kung lalapitan ba niya ang dalaga o aalis na sya dahil baka maka istorbo pa sya sa kaligayahan nito?

Nag desisyon syang maghintay para alamin kung sino ang ka date nito.

"Ano ba yan bakit ang tagal niya!?" Narinig niya ang reklamo ni Chelsea ngunit na na natilo parin syang nakatago sa likod ng punong kahoy.

Tumingin ulit sya sa relo ay mag aa-las tres na ng madaling araw at hindi pa niya nakikita kung sino mang lalaking katagpo ng kaibigan niya.

Balak sana niyang umalis dahil naiinip na sya sa kakahintay ngunit isang lalaki ang nakita niyang lumapit sa kaibigan niya. Nakasuot ito ng black outfits -dark hoodie jacket na may puting weird maskara.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now