2

76 1 0
                                    

PART 2⚠️

THE HAUNTED BOARDING HOUSE
BY: ANGELICABZ ©

Joseph P'O'V

Pagkatapos kong kunan ng litrato ang mga kasama ko ay hinayaan ko muna silang magpahinga. Nakikita ko sa mga mata ni Jane na pagod na pagod na sya at ang putla putla na ng mga mata niya!

Ilang oras kase ang naging byahe namin para makarating lang dito sa probinsya.

Inayos ko ang pagkakakuha ng litrato at saka iyon tinitigan.

Maganda lahat ng kuha ko! Kaya naglakad lakad ako upang maka hanap ng magandang pwesto.

Napatigil ako sa pagkuha ng litrato ng lapitan ako ng isang babae.

Maganda sya at maputi. Yun ngalang ay maputla ang mukha nya. Mahaba ang buhok nya at naka suot sya ng bestida.

Pero wala syang suot na tyinelas.

"H-hi?" Hindi ito nagsalita.

Nakatitig lang sya sakin kaya wala akong nagawa kundi ang kunan sya ng litrato.

Wala manlang syang reklamo at tinitigan niya lang ako.

"Boarders karin ba dito? Anong pangalan mo?"

Malungkot ang mga mata niya at tumitig sya sa kawalan.

"I'm Joseph, and you?"

Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko pero hindi niya iyon pinansin.

Ang inosente niyang tingnan Yun ngalang madungis sya. Magulo Ang buhok niya at may bakas na dugo ang puting damit niya.

Kumuha ulit ako ng litrato ngunit natigil lang ako ng mapansin ang pamumuong dugo sa paa niya.

Saan ba galing babaeng ito? Ngumiti sya sakin At ipapakita ko sana sa kaniya ang litrato kaso bigla nalang iyon nag log. Hindi agad iyon gumana at biglang namatay.

Napamura ako ng wala sa oras. At ng lingunin ko ang katabi ay wala na sya.

Nagkakapagtaka saan naman kaya iyon pumunta?

Magtatanong pa sana ako tungkol sa kalagayan niya pero wala na sya.

Pilit kong ini-open ang camera pero hindi parin gumagana.

"Hi? Anong problema?" May babaeng lumapit sakin short hair sya at naka suot ng sport bra at naka cargo pants ng kulay brown.

Maganda rin ang isang ito at sexy.

"I'm Ara boarder rin ako ni Mang Lito kararating ko lang din kanina at nakita ko kayong tatlo.."

"I'm Joseph, Yung dalawang kasama ko si Andi yung medyo chubby at si Jane naman yung brown ang buhok"

"Nice to meet you, nakita kase kitang nagsasalita mag-isa dito kaya lumapit na ako haha! You are Photographer?"

"Yes"

I feel like she's a friendly her looks are very attractive. She looks like a model.

"Pwede ba kitang kunan ng litrato kapag gumana tong camera ko?"

"Sure, it's a pleasure to me sanay nako sa mga tulad mo kung sino sino na kase ang nagpapa picture sakin"

"Artista ka?"

"No, I'm a blogger and a model"

"Cool"

Habang naglalakad kami ni Ara ay bigla nalang kami naka amoy ng malansang amoy.

Ang baho ng amoy kaya hindi ko napilitan Ang sarili na masuka.

Bigla ring sumakit ang tyan ko dahil sa tindi ng amoy. Ganon rin si Ara nasuka rin sya sa sobrang baho.

Hinanap namin ang pinagmulan ng amoy at bigla nalang kami napa pikit ng mga mata at napatakip ng ilong.

Shit. Ang baho!

Hindi kami sigurado kong anong klaseng bangkay iyon dahil pinagkakaguluhan iyon ng mga langaw at ang dami ng mga uod!

"Yacks! Oh God, what kind of shit is that?"

Hindi ko alam kung hayop ba iyon o wala naman akong ibang alam dahil sa lansa ng amoy ay napagkamalan namin iyong katawan ng hayop.

Kumuha ng kahoy si Ara at tiningnan niya kung anong uri iyon ng hayop ngunit napasigaw sya ng may makita kaming parti ng daliri!

Kinain na ng mga langaw ang katawan ang nakakapagtaka ay may nakita kaming daliri kaya mabilis kaming napatakbo palayo sa lugar nayon.

Humihingal kaming makarating sa loob ng white house.

Magsasalita sana ang isa samin ni Ara pero pinangunahan kami ng kaba ng makita si Manang Lito.

May dala itong pala at may dalang sako.

Ang sako na iyon ay puno ng dugo at nakita namin sa sahig na tumutulo Ang patak ng dugo.

Malansa rin ang amoy kaya napatakip kami.

"Saan kayo galing?" tanong niya.

Napakapit si Ara sa t-shirt ko at ako na mismo ang nagsagot.

Tinanong namin si Mang Lito tungkol sa sakong dala niya ngunit ang sinabi niya ay kumatay sya ng baboy.

Hindi namin na sabi kay Mang Lito ang tungkol sa nakita namin kaya pilit namin iyon tinago.

"We have to leave at this place ASAP" sabi ko ng makapasok sa kwarto ni Andi at Jane.

Nagtaka naman ang dalawa sa naging akto ko pero pakiramdam ko talaga ay. Hindi ligtas ang lugar nato para samin.

"Pero bakit Joseph? At sino naman sya?" Tanong ni Andi.

"She's Ara a new boarders katulad natin"

Kararating lang namin sa mansyon ay nawalan na kami ng gana ng dahil sa nakita namin.

At sino naman ang hindi mag-o-overthink sa nakita namin na daliri? It's not a normal thing to accept it we have seen everything.

Daliri palang iyong nakita namin pero nakakatakot na.

Pakiramdam namin ni Ara na bangkay iyong nakita namin.

"Guys? Ang dilim na ng paligid at wala tayong sasakyan palabas ng probinsya satingin mo ba hindi tayo aabutin ng gabi sa daan kung aalis tayo dito?" Anita Andi.

Tama si Andi pero ano na naman ang gagawin namin dito e hindi kami komportable!

"Akala ko ba gusto niyong ituloy yong projects natin pero bakit gusto mo ng umalis?" Tanong ni Jane.

She's looks curious about me.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang nakita namin ng bigla nalang may kumatok sa pinto.

Kinakabahan na binuksan ni Jane ang pintu at nasa tapat niyon si Manang Amelia.

Ang matandang iyon ay nakangiti at may iniabot na bagay.

Dahil pala sa takot namin kanina ay nakalimutan kong kunin ang camera ng bumagsak ito sa lupa.

"Ikaw ang may-ari niyan diba?" Tumango ako at tinanggap ang camera.

Gumana narin sa wakas!

Dumidilim na ang paligid at hindi na kami natuloy sa balak naming umalis. Tama naman kase sila na gabi na kaya manatili muna kami sa mansyon ng isang gabi.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now