3

59 1 0
                                    


PART 3⚠️

THE HAUNTED BOARDING HOUSE
BY: ANGELICABZ ©

Andi's POV

Alasais na ng gabi at naisipan kong pumunta sa third floor para tingnan ang nasa istaas. Lumang kwarto ang nasa third floor at ganon rin ang nasa ibaba. Habang naglalakad ako ay nakita kong naglilinis si Manang Amelia at napansin rin nya ako kaya napangiti ako sa kaniya.

Mukhang walang anak Ang mag-asawa dahil wala naman silang ipinakita o ipinakilala samin na anak nila kaya nakakalungkot lang dahil may-idad na silang pareho.

Inayos ko ang sarili ng papalapit ako sa mataong lugar.

Nakita ko ang ibang mga boarders na nag uusap sa sulok.

Narinig ko ang pinag-uusapan nila tungkol raw sa kapatid ni Jeffrey at yung Jeffrey na tinutukoy nila iyong lalaki na naka black t-shirt.

Napansin nila ako kaya nahihiyang napangiti ako sa kanila.

Lumapit sakin ang isang lalaki na naka suot ng black t-shirt at short pants iyon ay si Jeffrey.

"Newbie ka rito?" Tumango ako.

Ang gwapo nya kaya diko mapilitan ang mahiya ng titigan niya ako.

"I'm Jeffrey and you?" Pakilala niya sa sarili.

"Andi"

Pinakilala niya sakin ang mga kasama niya. Sina Red, Troy, at Catty.

"Kararating lang namin dito galing kaming Manila" Sabi ko at sinabi naman nila na dalawang linggo na silang tumutuloy sa white house.

"Dalawang linggo na kaming boarders sa mansyon gusto naming umalis pero hindi pa namin nakikita ang dalawa naming kasama, si Viviane at Jack kase nawawala sila"
Sabi ni Jeffrey sakin.

Nawala ang kasama nila ng tatlong araw na nilang hindi nakikita. Wala silang ka-alam alam kung nasaan ang dalawa. Sinubukan nilang tumawag sa pulis pero naka limutan nilang wala pang signal ang lugar. Hinanap naman nila ito sa buong mansyon ngunit wala silang natagpuan.

"Sinubukan nyo na bang humingi ng tulong sa dalawang mag-asawa?"

"Hindi raw nila alam kung saan hanapin ang dalawa ang nasabi lang nila baka umalis na daw ang dalawa "
Sabi ni Jeffrey.

"Pero hindi kami naniniwala na umalis sila dahil ang gamit ng dalawa ay narito pa at impossible namang nakalabas sila sa area dahil hindi nila kabisado ang daan palabas"
Sabi naman ng isa sa kanila.

"Ay wala silang dalang pera " sabi naman ng isang babae.

Natigilan ang karamihan ng makarating ang isang babae.

Sya si Sky ang isa ring boarders ni Mang Lito.

Maputla ang mukha ni Sky at tinitigan kaming lahat.

"M-mmmay nakita akong bangkay!" Nataranta kami sa balita niya kaya hindi na namin pinahaba pa ang oras at dinala kami ni Sky sa likod ng mansyon.

Sa likod ng mansyon may bangkay kaming nakita. Iyon ang katawan ni Jack ngunit may nawawala sa parti ng katawan niya. Ang baho ng bangkay at nilalangaw pa.

Nasuka ako sa sobrang baho at pati narin ang iba ay napatakip rin sa ilong.

Para akong nahihilo dahil sa baho ng amoy.

Dumating rin ang mga kasama ko at nakita ko sa mga mata nila ang takot.

Umiiyak Ang iba dahil sa nangyari habang ako ay namutla sa nakita.

"Sino ang may gawa nito!?" Naiiyak na sigaw ni Jeffrey.

Kapatid kase nito si Jack at sinong hindi magagalit at malungkot sa nakita ng dalawa niyang mga mata.

"Siguro sya rin ang may ari ng ibang parti ng bangkay sa kabila" sabi ni Joseph at agad nanlisik ang mga mata ni Jeffrey.

"Bakit hindi mo sinabi samin na may nakita ka!?" Sinakal sya ni Jeffrey.

"It because I'm afraid!" Inawat ng iba si Jeffrey at saka nakahinga ng maluwag si Joseph.

Habang nagkakagulo ang mga boarders sa mga oras naiyon ay napansin ko ang isang babae. Malayo sya sa dereksyon namin. Sinisilip niya kami nasa tabi sya ng puno kaya naisipan kong lumapit sa kaniya.

Sa maduming kasuotan ng babae ay puno ito ng galos sa katawan. Ang bistidang suot nya ay may bakas na dugo. Hilang hila ng paa niya ang mabigat na kadena.

"A-anong nangyari sayo?" Hinawakan ko ang mga kamay niya. Napakalamig ng mga kamay niya. Ang putla ng mukha niya at ang dungis niya. Ang ang gulo gulo ng buhok niya.

"Bakit may kadena ka? B-bakit-Jusko!" Dumudugo pa ang kaniyang paa.

"Umalis na kayo..pakiusap.." bulong niya sakin. Pagkatapos ay bigla nalang syang naglaho.

Nanginginig ang buong katawan ko. Nahipnotismo ako sa nakita. Bigla syang naglaho na parang bula. Natulala ang mga mata ko sa dereksyon kong saan ko sya nakita ngayon wala na.

Gabi na kase madilim na at ang ingay ng paligid tunog insekto.

Natigilan ang lahat ng dumating ang mag-asawa.

Nakita ko naiyak si Manang Amelia. Habang si Mang Lito ay nalungkot ang mukha ng dahil sa nakita.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko sa inyu, na hindi kayo pwedeng lumabas ng dis oras na gabi kase hindi niyo alam may masamang taong pakalat kalat sa lugar nato!" Sabi ni Mang Lito.

Lahat ay nag sibalikan sa sarili nilang kwarto. Naiwan ang mga lalaki para ilibing ang bangkay ni Jack at samantalang si Jeffrey ay hindi parin maka move on. Yung iba ay na shock at hindi alam ang gagawin ng dahil sa na diskobre.

Dahandahan kong isinara ang bintana. Kasama ko ngayon si Jane. Katulad ko ay kinakabahan rin sya naikwento ko sa kaniya ang tungkol sa babaeng nakita ko at naniwala sya dahil nakita niya rin ang babae na tinutukoy ko.

Natatakot kaming dalawa kaya hindi namin napigilan ang sarili na yakapin.

Ayaw naming mamatay ng maaga kaya bukas na bukas ay aalis na rin kami.

Hindi namam kase namin alam na may killer palang pagala-gala sa labas ng mansyon ngayon lang namin na laman Kay Mang Lito.

Nakakapagtaka lang ay sa tagal ng nanirahan ng mag-asawa sa mansyon ay wala manlang silang kinakatakutan kaya iyon ang pinagtaka ko.

Inayos ko ang kama at nahiga sa tabi ni Jane.

"Ni Locked mo naba ang pintuan?" Tanong ko Kay Jane at umu-o sya.

Kahit naka lock ang pinto ay kinakabahan parin ako pakiramdam ko may mangyayaring hindi mabuti ngayong gabi..

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now