11

36 1 0
                                    

PART 11⚠️

WHERE IS JACK?

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

JANE'S POV

Nasa labas kaming lahat para hanapin si Jack at Viviane.

Kahit si Mang Lito at Manang Amelia ay walang alam tungkol sa dalawa.

Ilang beses kong tinanong ang sarili ko kung saan dinala ng killer si Viviane dahil pagkatapos nitong hilahin si Viviane gamit ang kadena ay nawalan na ako ng malay.

Pag-gising ko nalang non ay malinis na ang paligid kung saan nangyari ang crimen. Wala akong idea kung pati ba si Jack ay dinamay ng killer pero malakas ang kutob ko na pati ang boyfriend ni Viviane ay dinamay nito. Pero saan nito dinala ang bangkay ni Viviane?

"Jane" lumapit sakin si Andi at Ara.

Naalala ko ang panaginip ko ng pumunta kami sa likod ng mansion dahil doon namin natagpuan ang bangkay ni Jack. Mabilis akong tumakbo papunta sa likod ng mansion pero wala akong nakitang bangkay roon. Pero bakit sa panaginip ko ay naroon ang bangkay?

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko ng mga oras na iyon. Kahit anong hanap namin ay hindi namin sila nakita.

"Damn! Saan ka ba namin hahanapin bro!?" Naiinis na sabi ni Jeffrey sa kawalan. Kitang kita ko kung pano mabuo ang luha sa mga mata nito hanggang sa tuluyan iyong bumagsak.

"Kahit si Viviane ay wala tayong update. Saan na kaya ang mag syotang iyon?" Singit naman ni Sky.

Sa panaginip ko si Sky ang naka diskobre ng bangkay ni Jack at bakit hindi iyon ang nangyari? May posibilidad kayang nagbabago ang mga dapat mangyari sa hinaharap?

"Jane? Bakit namumutla kana naman? Masakit ba iyong ulo mo?" Umiling ako sa tanong ni Andi. Nag-aalala sya sakin.

Halos hindi na ako makapag isip ng matino dahil sa nangyayari.

Saan kaya dinala ng killer si Viviane? Nasaan rin kaya si Jack?

All I need to know is where they are! Namatay si Viviane dahil sa wala akong nagawa para tulungan sya at hindi ko gusto na may isusunod pa ang killer na iyon..

____

"Hi Jane? Nakausap mo na ba si Ate Saurah?" Tanong ni Andi sakin.

"Hindi pa"sagot ko. Si Ate Saurah na tinutukoy niya iyong pinsan ko na nag-aalok ng trabaho kay Andi. May sarili kase iyong shop at kapag natapos namin ang project dito sa El Santos ay babalik kami sa Manila habang hindi pa tapos ang bakasyon.

"Mamaya tatawagan ko sya" Sabi ko at pinatay ang screen ng loptop.

"I'm done" sabi ko kay Andi at inayos ko ang mga notebook sa bedside table.

"I-se-send ko nalang ang copy ng vedio" sabi ko at ngumiti naman sya.

"Okay" sabi niya at iniwan na ako sa loob ng kwarto. Sa panaginip ko, magkatabi kami ni Andi pero ngayon hindi.

Nalilito na ako kung dapat ko pa bang paniwalaan ang panaginip na iyon noong nakaraan.

Hindi ko kasi inexpect na tatlong araw akong nagkulong sa kwartong ito at nanaginip ng ganoong klaseng pangyayari.

Parang bangungot..na hindi mawala wala sa isip ko at pilit parin akong ginugulo.

Pumunta ako sa walk-in closet at nagpalit ng pantulog.

Tumingin ako sa wristwatch at nasa 10 pm na pala ng gabi. Ilang oras kaya akong nag research at bakit ngayon ko lang napansin ang pagbilis ng takbo ng oras?

Ah, baka nga dahil sa sobra kong busy ay hindi ko na namalayan ang takbo ng panahon. Ilang oras nalang ang dadaan na ang madaling araw.

Nang makabalik ako sa kama ko ay bigla nalang namatay iyong ilaw ng kwarto ko. At buti nalang ay hawak ko ang selpon ko kaya nang i-on ko ang flashlight bigla nalang ako napasigaw ng makita ko harap harapan ang itsura ni Viviane!

Oh my Ghad!

Oh my Ghad!

Oh my Ghad!

Dahil sa takot ay nabitawan ko ang selpon at bumagsak iyon sa sahig.

Nanlilisik ang mga mata ni Viviane nang tingnan ako. Ang mga mata niya ay nangingitim dahil sa puti ng balat niya.

Patay na sya! Bakit ba nagpapakita sya sakin!?

"Viviane.." usal ko at nabuhay ulit ang ilaw.

Ngunit ilang segundo ay nag brown out naman hanggang sa naging patay -sindi na ang status nito.

"Dahil sayo namatay ako! Hindi mo ako tinulungan!" Sinakal niya ako sa leeg at ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng makita ang nakakatakot nitong itsura.

Sinisisi ako ni Viviane sa pagkamatay niya!

"Dahil sayo namatay ako Jane! Papatayin kita!"

"Hindi! Wag! P-please ..maawa ka! M-maawa ka sakin!" Pagmamakaawa ko sa kaniya. Ngayon lang ako natakot sa isang multo.

"Papatayin kita!"

"Waaaaaaaaaag-!" Nagising ako sa napakalalim na panaginip.

Nang bumangon ako ay nakita ko ang pag-aalala ni Andi at Joseph.

"Jane! Buti nagising ka! Binabangungunot ka!" Sabi ni Andi sakin at dahil sa pag-aalala ay mahigpit niya akong niyakap.

"What are you feeling Jane? I'm worried about you" sabi naman ni Joseph at kinuha ang isang panyo sa bulsa nito at pinunasan nito ang mga pawis ko.

"Huminga kalang ng malalim at wait kukuha ako ng tubig" sabi ni Andi at ilang sandali ay may dala na itong isang baso ng tubig.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Joseph sakin.

"Narinig namin ang mga sigaw mo kaya alerto kaming tumakbo akala namin kung ano na ang nangyari sayo pero ng makita ka naming sumisigaw habang tulog ay ginising ka namin.. binabangungunot ka yata?"

Alas sinco palang ng umaga ay balisang balisa na ang itsura ko ng pumunta sa terrace.

Nanlalamig ang buong balat ko habang tulala sa di kalayuan. Natatanaw ko ang bahay sa sulok. Iyong bodega ni Mang Lito.

Si Andi naman ay nag prepared ng mga gamit namin para sa paghahanda naming umalis sa El Santos.

"Aalis tayo dito para mapatingin ka namin sa doktor. Nag-aalala na kami sa kalagayan mo" iyon ang sabi ni Joseph at kinausap nito si Mang Lito habang ang matanda namang iyon ay hindi magawang ialis ang tingin sa akin.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero seryosong seryoso ang mukha nilang tatlo.

Mula sa bodega ay may natanaw akong babaeng nakatayo roon. At nang mapagtanto ko kung sino sya ay alerto akong tumayo at tinungo ang bodega nang hindi nakikita ng kung sino man.

"Viviane.." usal ko ng makilala sya.

Mula sa loob ng bodega nakita ko ang katawan niyang nakabalot sa sako at may kadena paring dala dala sa paa. Halos hindi ko makilala ang itsura ng bangkay niya dahil sa ulo nitong dinurog ng bakal.

Napaluhod ako at napahagulhol.

"Forgive me for not helping you..hindi ko sinasadya Viviane, pinangunahan lang ako ng takot.."

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©




ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now