25

22 0 0
                                    

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

PART 25 ⚠️

IYAK NG BABAE

"Are you okay Pao?" Nagising nalamang sya nasa tabi na niya si Martin at nasa itsura nito ang matinding pag-aalala.

Dahan dahan syang bumangon. Inaalala niya ang nangyari at lahat ng iyon ay bumalik sa isip niya ngunit nawala ang concentration niya sa kakaisip niyon ng hawakan ni Martin ang kamay niya.

"What do you feel? Are you okay?" Mahinhin syang tumango.

Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit ilang beses na syang nakaramdam ng mga bagay bagay na hindi niya maipaliwanag. May mga nakikita syang hindi naman nakikita ng iba at ang nakita niya sa salamin kanina ay hindi totoo. Lahat ng iyon ay illusion lamang ng isip niya..

Bakit ba iyon nangyayari sa kaniya?

"Teka lang muna ikukuha kita ng tubig at pagkain. Pagkatapos magpahinga ka at huwag ka munang lalabas ng kwarto mo ha? Namumutla ka na naman"

Umalis si Martin sa loob ng kwarto niya at naiwan naman sya mag-isa.

Sinubukan niyang tumayo at dumungaw sa bintana at mula sa itaas ay natatanaw niya sa baba ang tatlo sina Chelsea, Rex at ang lalaking si Josepher.

May uwak na pumasok sa kwarto niya at kahit anong gawin niya ay hindi iyon umaalis hanggang sa napagtanto niyang may papel ito at inilapag sa kama niya at bago iyon tuluyang lumabas mula sa bintana at lumipad papunta sa mga kakahuyan.

Kinuha niya ang papel at nakalagay ang isang note; "Maganda ka kapag hindi ka nakasimangot"

Kumunot ang kaniyang noo sa nabasa at pagkatapos ay inilipat niya ang paningin sa labas. Nakita niya ang mga mata ni Josepher na nakatitig sa kaniya at ngumiti ito.

Damn!

Si Josepher ang may ari ng note na iyon! Inirapan niya ang lalaki at inihulog niya mula sa baba ang note at saka niya isinara ang bintana.

Mukhang maniac..

Inayos niya ang kama at naiinip sya dahil sa tagal ni Martin. Ilang minuto na syang hindi bumabalik!

Hindi sya nakapagtimpi at lumabas sya ng kwarto niya. Lumabas sya ng mansion at pasimple syang naghanap ng magandang lugar para makalanghap ng preskong hangin. Mula sa dulo ng isang lumang bahay may natatanaw syang dalawang tao.

Si Tatay Lito at isang babaeng morena hindi niya alam kung sino iyon kaya nagtataka sya dahil sa trato ng matandang iyon. Hinihila kase niya ang babae at kitang kita niya na may mga sugat ang babae at may hawak pang baril si Tatay Lito!

Kinabahan si Pauline sa nakikita niya.
Tinakbo niya ang lumang bahay na iyon ng tuluyang makapasok ang dalawa.

Hindi alam ni Pauline na nakita sya ni Josepher at balak sana nitong pumasok pero may kamay na pumigil sa kaniya.

"Hey-" inirapan ni Pauline si Josepher.

"Anu ba! Bitawan mo ko!?" Naiinis kase sya satwing nakikita niya ang lalaki lalo na ang mga tingin nito na hindi komportable para sa kaniya at iyong Tatay nitong may dalang baril.. pakiramdam niya na papatayin nito ang babae kaya sigurado sya na kapag hindi niya mapiigilan ang mangyayari ay mamamatay ito.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now