36

7 0 0
                                    

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

PART 36⚠️

KALAGAYAN

-JANE-

NAGISING ako sa ingay ng mga ibon sa labas.

Bumangon ako at naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko. Si Pauline, gising na sya!

Nakasuot sya ng lumang kamesita na bigay ni Mang isko at kahit ganoon ka simple ang suot nito ay hindi parin nabawasan ang ganda na mayroon si Pauline.

Isang beses ko lang syang nakilala ngunit magaan ang loob ko sa kaniya. Dahil sa kaniya ay nararamdaman ko ang presensya ni Andi.

Nasaan na kaya ang kaibigan kong iyon? Hindi ko alam kung buhay pa sya o patay na. Hindi ko na sya nakita simula ng ikulong ako ni Josepher sa isang lumang selda.

At satwing tinatanong ko si Josepher pagdating kay Andi ngunit ang sinasabi niya ay patay na ito. Patay na nga ba talaga ang kaibigan ko? Hindi ko nakita ang bangkay niya..at mas lalong wala akong nakitang ibidensya na buhay pa sya.

Pero sana kung nasaan man sya ngayon..sana mapayapa na ang buhay niya. Missed na miss ko na talaga sya..

"Hmmm.." narinig ko ang mahinang ungol ni Pauline hudyat na nagkamalay na ito.

"Pauline?" Dahan dahan syang napakunot noo ng maimulat ang mga mata at agad na tumingin sa buong paligid.

At dahil wala itong kamalay malay kung nasaan sya ay iyon agad ang unang lumabas sa bibig niya.

"Nasaan ako..?" Tanong niya na puno ng pagtataka ang kaniyang mukha.
"Nasaan tayo?"

"Nasa..nasa bahay tayo ni Mang Isko" sabi ko at kumunot parin ang kaniyang noo.

"Ma-mang Isko? Si-sino sya?" Tanong nito at pinag-aaralan ang bawat detalye ng buong paligid ni ang suot nito na damit at pati narin ang tagiliran nito na natatakpan ng isang lumang tela at may mga dahong nagsisilbing lunas para takpan ang sugat.

"Siya ang tumulong satin." Sabi ko at hinanap agad niya ang pangalang Rex pero hindi ko sya masagot.

Pumasok mula sa loob ng kwarto si Martin ng marinig ang boses ni Pauline.

"Pao! Gising kana!" Simalubong agad nito ng yakap ang babae. At kahit na ako ay nahawa sa energetic nitong presence na pinapakita.

"Missed na kitaaaaaa" sabi nito at hinalikan pa sa pisngi si Pauline at itong si Pauline ay hindi makapagsalita.

"Mart.." naiiyak na tawag nito sa pangalan ng lalaki at mahigpit na tinanggap ang yakap pabalik.

"What are you feeling? May nararamdaman kabang masakit? Ano ang nararamdaman mo? Nagugutom kaba? Nauuhaw kaba? O—" hindi natapos ni Martin ang sasabihin ng banggitin ulit ni Pauline ang pangalan ng pinsan.

"Nasaan si Rex? Bakit wala sya? Bakit hindi natin sya kasama?" Mukhang hindi pa naalala ni Pauline ang nangyari kagabi. Sigurado akong nagtataka na ito.

"Patay na sya.." sagot ni Martin ngunit umiling si Pauline.

"No! Where is he!?" Hinahanap parin niya ito na tila hindi pinansin ang sinabi ni Martin sa kaniya.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now