18

50 0 0
                                    

PART 18⚠️

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

JOSEPHER

JANE'S POV

Hindi ko magawang iwasan ang mga mata sa hawak niyang palakol.

Kahit kinakabahan na ako sa klase ng pagtitig niya pinipilit ko parin ang sarili kong kumalma.

"Bakit walang ibang tao sa loob? Nasaan si Joseph?"

"Umalis na sila"

"Ano!?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mang Lito.

Hindi ko alam kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi?

"Ikaw ba, wala kang balak umalis matapos mong malaman na may killer sa El Santos?"

Hindi ko magawang dugtungan ang sinabi niya.

"Maraming namamatay sa lugar na ito Jane, at bakit nagagawa mo pang manatili kahit hindi ka naman ligtas dito"

"Dahil kailangan kong hanapin si Andi" may isang uwak na pumatong sa balikat ni Mang Lito.

"At hindi ako aalis hanggat hindi sya kasama at pati si Joseph"

Pinagtawanan niya ako. Mukha syang demonyo kung tumawa nakakakilabot lalo na ang boses niya.

"Sigurado kaba sa sinasabi mo?"

"Sabihin mo nga sakin may kinalaman kaba sa mga taong nawawala sa lugar na ito? Ikaw ba ang dahilan kung bakit hindi na nakakabalik ng buhay ang mga dayo!?"

Malalim ang mga mata niya ng mapalunok at ilang saglit ay may kinuha sya sa bulsa ay isa iyong papel at inilagay sa paa ng uwak at ang uwak na iyon ay tuluyang nawala ng makuha ang papel.

Biglang sumagip sa isip ko ng magising ako noong umaga.

Nagising ako noon na may uwak na pumasok sa kwarto ko at may dalang sulat.

Ibig sabihin si Mang Lito ang may-ari ng uwak at sya ang nagsulat ng note sakin noon!

Ngumiti sya at gamit ang isang hintuturo nito ay tinikman ang butil na dugo mula sa palakol.

"Malalaman mo rin ang tunay na kwento Jane" iyon ang sabi niya at iniwan akong blanko.

Nang pumasok ako ulit sa loob ay tanging
tahimik na enerhiya ang aking unang naramdaman.

Mabigat na enerhiya ng tinungo ko ang kwarto ni Joseph at nakita ko roon sa ilalim ng kama niya ang isang pamilyar na jacket at ang Maskara na natagpuan ko sa kwarto ni Jeffrey!

"Si.." hinalughug ko pa ang isang maitim na bag at nakita ko roon ang ilang gamit ng mga di kilalang tao. Ang mga ID ng kung sinong mga dayuhan sa El Santos na matagal ng missing at hindi pa natatagpuan ilang taon na ang nakararaan.

"Si Joseph.." napapailing ako sa sarili. Habang hindi ko mapigilan ang luha sa mga mata ko dahil sa nalaman.

Si Joseph ang Killer! Sya ang pumapatay sa mga taong..oh my gad!

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko!?" Malakas ang kabog ng puso ko ng makita ang nanlilisik na mga mata ni Joseph.

Wala syang suot pang itaas at nakita ko ang buong katawan niya na may bakas ng mga dugo at galos.

Ang magulo nitong buhok at ang itsura nito na malayong malayo sa Joseph na nakilala ko.

May hawak syang kahoy na may markha rin ng dugo!

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now