5

59 0 0
                                    


PART 5⚠️

THE HAUNTED BOARDING HOUSE
BY: ANGELICABZ ©


JANE'S POV

"Bilisan mo namang kumilos Andi" Sabi ni Joseph kay Andi habang ang iba naman ay nauna ng umalis, napapalibutan ng mga hamog ang buong paligid ng makalabas kami ng mansion.

Tulog pa ang mag-asawang si Mang Lito at Manang Amelia at kahit hindi ko nakikita ang nanlilisik nilang mga mata pakiramdam ko pinapanood nila kami ngayon.

Si Ara at Joseph ay magkahawak kamay habang naglalakad at ako ay hindi ko mapigilan ang mayakap ang sarili dahil sa lamig ng paligid.

"Sis, isuot mo itong jacket ko" sambit ni Andi at ibinigay sakin ang kaniyang pink hoodie.

"Salamat"

It's almost 6. Am, palang ng umaga at apat lang kami ngayon ang magkasama iyong iba ay hindi na namin na abutan.

"Sigurado ba kayong may ibang taong makakatulong sa atin na makalabas sa lugar na ito?" Tanong ni Ara sa amin.

Wala rin akong alam. Hindi naman namin alam kung saan kami hihingi ng tulong dahil dito lang din kami iniwan ng driver nong isang araw.

"Wala akong idea. All we need for now is to escape dahil kapag nalaman ng mag -asawa na umalis tayo alam kong hindi rin sila papayag" sabi ni Joseph.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay nakarinig kami ng mga sigaw. Umaalingawngaw Ang ingay na iyon sa buong paligid kahit na ang mga uwak sa itaas ng puno ay nagkagulo dahil sa ingay.

Nagtago kami sa punong kahoy. "Dito lang kayo ha? Wag na wag kayong aalis" sabi ni Joseph.

"Bakit anong gagawin mo?" Tanong ni Andi.

"Iiwan mo kami?" Tanong ko naman.

"Papaano na kami?" Sambit naman ni Ara.

"Guys listen, kailangan ko munang malaman ang dahilan ng sigaw na iyon. Dahil kung magkakasama tayong pupunta roon baka kung ano pa ang mangyari" sabi nito sa amin. Wala kaming choice kundi ang hintayin sya.

Ilang minuto kaming naghintay pero hindi sya bumalik. Kinakabahan tuloy ako. Papaano na kapag may nangyaring masama kay Joseph? Papaano pag hindi na sya makabalik?

Samutsaring negatibong tanong ang dumaan sa isip ko ng mga oras na ito.

Si Andi at Ara ay kinakabahan narin hanggang sa napagplanuhan naming hanapin si Joseph.

Maingat naming binagtas ang daan papunta sa isang bahay na hindi naman kalakihan. Dito namin naririnig ang sigaw.

Bukas ang pintuan na gawa sa kahoy. May nakita pa kaming bakas ng dugo sa lupa papasok sa loob.

"Shhhhh.." usal ni Ara habang sinisilip niya ang maliit na butas para alamin kung may tao ba sa loob.

"Let's go" sabi niya at maingat kaming pumasok sa loob.

Ang malakas na sigaw ay sumalubong sa tainga namin. Isang sigaw ng babae at lalaki. Hindi ko alam kung sino sila pero pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila.

Hindi kaya sila Jeffrey iyon? Kasama kaya nila si Joseph?

Nasaan na kaya ang kaibigan namin?

Inilibot ko ang paningin sa buong paligid at napapalibutan iyon ng iba't ibang kasakapan. Mga matutulis na bagay katulad ng iba't ibang kutsilyo, itak, palakol, lagari, kadena, chainsaw at iba pa ngunit puno ng dugo.

May mga sako pa na dahil sa dugo ay hindi na nagmumukhang kulay puti.

Ang amoy rin ng paligid ay hindi ordinaryo, sariwang amoy ng isang karne na hindi ko mawari kung anong klase.

"Jane" tawag ni Andi at Ara sa akin. Nauna na palang makapasok sa isang kwarto ang dalawa kaya mabilis akong sumunod sa kanila.

"Anong klaseng lugar ito? Bakit puno ng mga dugo? Bakit nandito ang mga gamit ng mga-" hindi naituloy ni Andi ang sasabihin ng makarinig kami ng tunog ng isang lagareng kadena( chainsaw).

Ang tunog na iyon ay nagmumula sa ibaba.

Lumuhod kaming tatlo at idinikit ang tainga namin sa sahig at sa ibaba nagmumula ang tunog na iyon!

"Kinakabahan ako.. umalis na kaya tayo?" Tanong ni Andi. Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakikinig sa mga tunog na iyon.

"Anong ginagawa niyo rito!?" Malakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang pamilyar na boses ni Mang Lito.

Nanlilisik ang mga mata niya ng lapitan kami at may dala syang lagare na puno ng dugo. Pati ang suot nito ay ang dungis rin.

Sunod sunod ang lunok ko sa kadahilanan na kinakabahan na ako ng sobra.

Sa mga titig palang ng matandang ito pakiramdam ko nilalamon niya na ako.

"Anong ginagawa niyo rito!?" Napakurap na ako sa lakas ng boses niya.

"Pa-pasensya na po kayo hinahanap po kase-kase namin si Joseph" iyon ang mabilis na sagot ni Ara at humigpit naman ang kamay ni Andi sa mga palad ko.

Nanlalamig pareho ang mga kamay namin dahil sa nerbyos.

Binabasa niya ang mga kilos namin kung totoo ba ang sinasabi namin sa kaniya pero ilang sandali ay ibinaba niya ang hawak na lagari.

"Bakit dito niyo hinahanap ang kasama niyo? Nakita niyo ba syang pumasok rito?" Sunod sunod kaming umiling.

"Pasensya na po..ito lang kase ang lugar na nakita namin bukod sa mansion niyo" sagot ni Ara.

"Baka nasa mansion lang sya.." sabi naman ni Andi.

Gusto na naming umalis sa harapan ng matandang lalaki dahil hindi kami makahinga ng maluwag.

Nakakakilabot ang kaniyang itsura.

"Sige. Bumalik na kayo sa Mansion dahil nakahanda na ang makain" Sabi niya sa amin at nauna syang umalis.

Gustuhin man naming pumunta sa ibaba e kaso pinangunahan kami ng takot.

Wala kaming choice kundi sumunod Kay Mang Lito.

__________

"Joseph?" Hindi kami makapaniwala ng makita namin syang nakaupo sa sofa. Tahimik syang lumapit sa amin at tinanong kung okay lang ba kami.

"Hindi ba galing ka sa labas? Bakit-"

"Bumalik na ako it because..binantayan nila ako" pabulong na sabi ni Joseph sa amin.

"Hala? So hindi na tayo makakaalis? Hindi ko gustong tumagal sa lugar na ito!" Sabi ni Ara. Kahit si Andi iyon din ang gusto nito ang makaalis sa lugar na ito dahil sa nadiskobre naming bagay na hindi namin maipaliwanag.

"Joseph may narinig kaming sigaw sa isang bodega..nakita naming may hawak na lagari si Mang Lito at punk ng dugo ang kamay niya" sumbong ni Ara.

Nanginginig naman ang mga kamay ko habang pinapakinggan ang mga kwento ni Ara habang nag-uusap sila ni Joseph.

Napansin ko naman ang mga mata ni Mang Lito na sinisilip ako kaya napakagat ako sa ibabang labi dahil sa takot.

Kinakabahan na ako. Pakiramdam ko hindi na tama ang mag stay sa lugar na ito kasama ang dalawang mag-asawa.

Pero pa paano kami makakatakas dito kung nakamasid Ang mga mata nila sa amin. Kahit nakatalikod ako pakiramdam ko pinapanood niya pa rin ako.

Ang balahibo ko ay nananayo dahil sa hindi maipaliwanag na enerhiya.

Sa tabi ng pintuan nakita ko ulit ang babaeng madalas mag pakita sa akin.

Lumapit ang babae at may ibinulong sya sa akin.

"Tumakas ka.."

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now