7

56 0 0
                                    

PART 7⚠️

THE HAUNTED BOARDING HOUSE
BY: ANGELICABZ ©

JANE'S POV

Nagising ako sa malakas na ingay ng mga uwak.

Nakabukas ang bintana at nakita kong kakapasok lang ng uwak sa kwarto ko at may iniwan itong sulat.

Nang damputin ko ang sulat ay may nabasa ako.

"Ang sino mang hindi sumunod sa utos ko ay lalagutan ng hininga" bigla kong nabitawan ang sulat at napakapit sa dibdib.

Bakit ba ako nagiging negatibo dahil sa simpleng sulat? Hindi kaya galing iyon sa killer? Pero sino ang killer!?

Naalala ko ang huling gabi ng lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Manang Amelia na may kausap na taong hindi ko naman nakita dahil sa dilim ng paligid.

Kinalma ko ang sarili ng maalala ang itsura ng dalawang mag-asawa lalo na si Mang Lito na may hawak na lagari na puno ng dugo. Hindi kaya sila ang mga killer? Napakurap ako ng marinig ang mga yabag papalapit sakin.

"Sis? Buti gising kana" lumapit si Andi sakin at chi-neck ako kung may sakit ba ako o wala.

Nag-aalala siya sakin samantalang wala naman akong nararamdamang kahit na anong sintomas.

"Ilang araw kanang hindi lumalabas ng kwarto" iyon ang sabi niya. "Nag-aalala na kami sa iyo Jane"

Iyon ang sabi niya sakin at nagtataka naman ako. Anong sakit? E hindi naman ako nagkasakit ah? At kalalabas ko lang kagabi papaanong tatlong araw akong nagkulong sa kwartong ito?

Nagsilabasan ang lahat ng mga boarders sa kani-kanilang kwarto at nanlaki ang mga mata ko ng makitang kompleto pa silang lahat. At pati iyong babaeng nagpapakita sa akin kagabi ay buhay sya!

Ngumiti sya akin ng abutan niya ako ng pinggan.

"Hi? Newbie kayo rito? Anong pangalan niyong tatlo? I'm Vivian nga pala, Jack's girlfriend" Napakurap ako ng kalabitin ako ni Andi.

"Ako nga pala si Andi" pakilala ni Andi sa mga boarders.

"I'm Joseph hehe" iyon naman ang sabi ni Joseph sa kanila.

"At ito naman si Jane, nagkasakit kase sya ng tatlong araw at ngayon lang sya nakalabas a kwarto niya" kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Andi.

"Nagkasakit?" Tanong ko sa kaniya at kumunot ang noo niya sakin.

"Oo sis, nagkasakit ka simula ng mag board tayo rito. Nag-aalala nga kami sa iyo e, halos hindi kana lumalabas ng kwarto mo at lagi kang tulala habang nakaupo sa tabi ng bintana" kwento ni Andi na naging dahilan nang pag o-overthink ko.

Pero bakit ang dami na ng nangyari? Bakit sinasabi ni Andi na nagkasakit ako samantalang hindi naman? Hindi kaya panaginip lang lahat ng nangyari sa amin dito?

Pilit kong inaalala ng una kaming dumating dito sa probinsya. Kausap pa namin si Mang Lito noon at ipinakilala niya kami kay Manang Amelia.

Hindi kaya gumana na naman ang third eye ko? Matagal nang natutulog ang pangatlong mga mata ko na kayang makakita ng mga hindi pangkariwang nilalang na tanging mga tulad ko lang ang maykakayahan.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now