28

12 0 0
                                    

HORROR STORY BY ANGELICA BZ ©

PART 28 ⚠️

TRAUMA

"Paulineeeeeeee!" Napalingon si Pauline ng marinig ang tawag ng kaibigan. Si Martin.

Patakbo itong lumapit sa kaniya at inakbayan sya.

"Musta na ang pakiramdam ng prensesa ko?" Siniko agad niya ang bintana dahil eto na naman ang umagang puno ng kalokohan. Kahit anong oras ba naman lagi syang natatawa dahil sa pambobola ng binatang ito. Kahit pakiramdam niya na boring syang kasama ay hindi manlang nagsasawa itong lalaking ito na manuyo sa kaniya.

"Puro ka kalokohan e kung tulungan mo nalang kaya ako magwalis ha?"

"Naku-naku! Hindi ba bawal magtrabaho ang prensesa e bakit nagwawalis ka? Galing ka pa sa sakit hindi ba? Ang tigas tigas talaga ng ulo mo Pao" kinurot nito ang ilong niya.

"Isa pa! Hindi ba sinasabi ko sa iyo huwag mo ulit gawin sakin iyon" sumimangot sya.

"Lagi mo nalang pinag-ti-tripan iyong ilong ko e!"

Pinagtawanan sya ni Martin. "Ang cute mo kase!"

"Che! Maglinis ka nga puro kalang kalokohan"

"Ito naman e bakit hindi ba totoo? Ang cute mo kaya"

"Bigla nalang sabog ang malakas na tawanan sa paligid. Ngayon lang nila napansin na pinapanood na pala sila ng mga kasama nila kaya nakaramdam sya ng kaunting hiya.

"Mukhang tumatagal mahuhulog na talaga ang loob ni Pauline sa gagong ito"

"Anong Gago?" Pinagtawanan ulit nila si Martin.

"Maglinis kana baka lumakas ulit iyong hangin at dadami iyang lilinisin mo"

Tuminggala sa itaas ng punong kahoy si Pauline at iyon nga ang totoo maraming mahuhulog na nalalantang dahon mula sa itaas.

"Magtulungan nalang tayo para matapos" sabi niya at isa isang kumuha ng walis ang mga kasama niya.

Habang nagwawalis sila ay hindi mapigilan ni Pauline ang maibaling ang tingin sa bahay na hindi naman kalayuan. Iyong tambakan ng mga lumang gamit at tools ng pamilyang iyon-ang Bodega kung nasaan nakakulong si Sky.

Nakita niya mula roon na lumabas si Sky at tumatakbo palayo habang hinahabol naman ng matandang lalaking si Lito. Naglakad ng naglakad si Pauline para makita ng maigi ang dalawa hanggang sa nadapa itong si Sky. Nagsisigaw at takot na takot kay Mang Lito.

Tumakbo si Pauline at nakaramdam ng takot. Kinakabahan sya habang tumatakbo papunta roon hanggang sa makalapit sya at nakita niya kung paano lumuhod sa harap si Sky na tila ba nagmamakaawa at ito namang lalaki ay walang kahirap hirap na kinuha ang isang baril at basta nalang iyong ipinutok sa mukha ni Sky at bigla sumabog ang isang mata nito dahil doon tumama ang isang bala ng baril.

Para bang sumikip ang dibdib ni Pauline habang pinapanood kung paano mawalan ng balanse ang payat na tuhod ni Sky at bago ito bumagsak ay nagawa pa nitong ibaling ang mukha sa kaniya.

Nanginginig ang buong kalamnan ni Pauline. Hindi sya makahinga ng maayos. Takot na takot sya at sunod-sunod ang baril na tumama sa ulo ni Sky hanggang sa malagutan ito ng hininga. Pinahid niya ang mukha dahil may kaunting dugo ang tumalsik sa kaniya.

ANG PAMILYA EL SANTOS: WRITTEN BY ABZULUETA Where stories live. Discover now