25

30 6 3
                                    


The outreach program ended, very well. We were smiling, laughing, playing, and sharing wonderful stories the whole time.

Naantig ang puso ko sa sari-sari nilang mga kwento. According to them, it all started when Father Joven brought a 5 year old boy inside their church. His name's Isles.

It was raining that night kung kaya akala nila'y magpapalipas lamang ito ng gabi sa simbahan, ngunit kinumpirma ni Father Joven na nais niyang ampunin ang bata.

Lumaki naman daw itong masipag, magalang, matalino, at may takot sa diyos. Hindi rin daw napunta sa wala ang mga paghihirap ni Father Joven dahil nakapagtapos ito ng pag-aaral at kalauna'y naging isang Engineer.

Years later, he decided to build an orphanage for those in need and abandoned kids. Gusto niya itong gawin dahil alam daw niya kung gaano kahirap ang mamuhay sa lansangan.

Walang tirahan, walang maayos na kasuotan, at natutulog ng walang laman ang tiyan. Lahat ng 'yon ay kaniyang napagdaanan kung kaya't nais niyang matulungan ang mga batang nasa ganoon ang kalagayan.

Maaaring hindi man lahat ay kaniyang matulungan, ang mahalaga raw ay mabawasan. And through the help and support of his loving father, this orphanage was made.

The program ended at six in the evening, at habang naghahanda kami sa pag-uwi ay siya namang pagbuhos nang malakas na ulan.

Kaya tulad nang walang tigil na pagbagsak nito ay wala ring humpay ang pagbuntong-hininga ko.

"Dito na lang kayo magpalipas ng gabi. Agahan niyo na lang ang alis bukas."

"Kapag umuulan kasi ng gabi rito, madaling araw o kinaumagahan na nahinto," dagdag pa ni Mother Cessiana.

"Kakausapin po muna namin siguro ang mga bata, para makapagpaalam sila sa mga magulang nila," ani Mrs. Ottilia, ang head ng school faculty.

We had a meeting after that. Nagpasya kaming bumuo ng video na kung saan ipinaliwanag ng mga faculty member nang maayos ang dahilan kung bakit hindi kami makakauwi ngayong gabi.

They even said sorry for the sudden decision, at nangakong magiging tiyak ang kaligtasan namin.

I sent it to my parents right away. They are still on a business trip pero nag-uupdate pa rin ako sakanila.

Paniguradong mag-aalala at tututol sila ngunit wala naman kaming magagawa. Hindi naman namin 'to ginusto.

Finorward ko rin 'yon kay Kuya para hindi na niya kailanganing umuwi pa.

After the discussion, we immediately went to our designated rooms. Sa isang kuwarto'y mayroong apat na kama. Siyempre, magkakahiwalay ang babae't lalaki.

We're 21 in overall total kasama ang limang faculty members at ang nirentahan naming driver. Sa madaling salita, limang kwarto ang aming na-okupa.

I am in the same room with Heather, Quincy, and Grenache. Nasa ikatlong palapag ang kwarto namin.

Dala na rin siguro ng pagod ay agad silang nagpahinga, samantalang ako'y dilat na dilat pa rin ang mga mata.

I even took a bath sa pag-aakalang baka dalawin ako ng antok matapos maligo, but it was no use. That's why I decided to went outside.

Nakita kong bukas pa rin ang mga ilaw sa labas kaya dali-dali akong bumaba.

Mariin akong napapikit nang tuluyang makatapak sa labas at naramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

Siguro naman ay hindi ako pagagalitan dahil nandito pa rin naman ako sa bahay-ampunan. And the gate's already locked, though. There's no way I can go out.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now