08

35 9 3
                                    


My lips went half open because of Kejadian's sudden appearance.

Idagdag pa ang paraan kung paano niya ako inilayo kay Edevane. As if he was protecting me from getting hurt.

"Dude, we're talking," naniningkit ang matang sambit ni Edevane.

"Sorry, but I'm taking her with me. May importante kaming dapat pag-usapan," ani Kejadian that made my lips parted more.

Dumikit sa mukha ko ang hindi naisantinig na tanong. Why is he doing this? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang pakialam sa akin.

Dalawang taon na kaming magkaklase pero ni pagngiti o pagkausap sa 'kin ay hindi niya pa nagagawa kung kaya't nakapagtataka na nandito siya at gumagawa ng kwento para tulungan ako.

"This is an important matter, too."

Kejadian's thick brows furrowed, "About what?" tanong niya sa matapang na boses.

"Why do you care?" Edevane retorted at akmang hahawakan ulit ako ngunit naging mabilis ang kilos ni Kejadian at ipinuwesto ako sa may likuran niya.

"I'm warning you, Rimanov. Don't meddle with my business or you'll regret this."

"Too bad, your threats won't work on me, Gallejos. Leave this instant before I lose my sanity and if you want to save your dignity," maawtoridad na sabi ni Kejadian. I can't help but to gulp in nervousness and amusement.

I've never seen him this serious before. I mean, he's always nonchalant and serious, but this time, it's different.

His rough features made him look like someone who always seeks for trouble.

Mula sa lagi niyang nakakunot na noo, up to his thick brows and lashes, menacingly yet pleasant-looking brown eyes, prominent nose, sharp and well-defined jaws, and sensual lips.

Everything about his feature screams perfection and it's kinda unfair.

Mukhang gising na gising siya nung mga panahong nagbigay ng biyaya ang nasa itaas.

Nabalik ako sa reyalidad ng muling magsalita si Edevane.

"Bakit? Anong gagawin mo?" anito sa nanghahamon na tono.

"Don't try me, Edevane. That is the best way you could ever do to save yourself from humiliation."

Kita ko kung paano natigilan si Edevane bago galit na tumitig sa amin.

"May araw ka rin," aniya at dinuro si Kejadian saka naglakad palayo.

Mariin akong napapikit nang tuluyan siyang mawala sa paningin namin.

Kejadian clicked his tongue kaya muli akong napalingon sakaniya.

Lumambot na ang ekspresyon niya kumpara sa kaninang tila ba makikipag-sapakan siya.

"You don't have to do that," direkta kong sabi dahil muntik nang magkagulo.

"A simple thank you won't hurt you," malamig niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko. Balak ko naman talagang magpasalamat, hindi niya ako kailangang sabihan!

"I was planning to!" giit ko. Bakit niya kasi ako pinangungunahan?

The side of his lips rose up for a minute, at nang mapansin niyang nakita ko 'yon ay muling bumalik ang masungit niyang ekspresyon.

"Really? But you don't sound and look thankful at all."

"Hey! I was just worried that you might end up punching each other here at someone else's party. Hindi mo na lang sana pinatulan or much better if kinaladkad mo na lang ako paalis dito."

Lumamlam ang mga mata niya.

"Hindi ko ugaling humawak ng babae lalo na't walang permiso, but... I did it earlier without me noticing," his jaw clenched.

"I'm sorry," he added before leaving me dumbfounded.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now