05

35 10 1
                                    


Nakarinig ako nang sunod-sunod na pagkatok kaya mabilis akong lumapit sa pinto at binuksan ito.

"Are you done?" bungad ni Fyearie at pinasadahan ng tingin ang suot ko.

I just wore a white spaghetti strap paired with cardigan and high waist jeans.

"Let me fix my hair for a minute," sagot ko bago bumalik sa vanity table.

Tumango siya saka umupo sa kama ko.

"Edevane's outside, he brought his car. Hindi ko na inayang pumasok dahil baka interview-hin nang malala ng parents mo."

Sandali akong natigilan bago tinaliman ng tingin ang kaibigan.

"Akala ko ba wala kang ibang kasama?"

"Relax. Nalaman ko lang din na invited siya dahil inaya niya akong magpunta at sinabing isama kita kung wala kang ginagawa," depensa niya na ikinairap ko.

Edevane's my former suitor. He courted me for like almost 2 weeks, and when I turned him down, he got mad at me.

You've got a pretty face and indeed smart, I admit that. But you're boring and not so kind. So, thank you for turning me down.”

'Yon ang sinabi niya sa 'kin matapos ko siyang patigilin sa panliligaw. Marahil nasaktan ko ang ego niya.

Hindi ko na binanggit ang pangyayaring 'yon kay Fyearie dahil hindi naman big deal for me. I don't mind being called boring and not so kind dahil totoo naman.

Fyearie's fully aware of the rejection thingy, pero hindi ang mga sinabi sa akin ni Edevane. Kung alam niya, paniguradong isusumpa niya ang isang 'yon.

"You know what? Up until now, I am still curious about one thing."

I raised my brow. Mukhang alam ko na kung anong itatanong niya.

"Why did you turn him down? I mean, he's fine, came from a well-known family in the town, friendly, sporty, and kind."

I scoffed. Kind? Kung alam niyo lang.

"He doesn't stand a chance. That's all," tanging sagot ko. Wala akong balak magkuwento sa kung ano mang nangyari noon dahil tapos na 'yon at ayaw kong isipin ni Edevane na apektado ako sa mga sinabi niya kaya sinisiraan ko siya.

Malawak na ngumiti si Fyearie.

"Edi ikaw na talaga ang maganda!"

Tumawa ako bago sinabit ang sling bag sa balikat ko. "Let's go, it's almost five."

Bago lumabas ng bahay ay muli akong nagpaalam kay Mom at Dad.

Nagbigay muna sila ng ilang mga paalala bago kami hinayaang umalis.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now