13

23 6 4
                                    


"It's already late. Are you sure you're fine taking a cab, alone? At this hour?" tanong ni Kejadian saka pinagmasdan ang paligid. I chuckled softly.

"If you're that worried about me, stay with me until I get one," I joked.

"Of course, I will," he said before taking out his phone. Pasimple akong ngumiwi. Nagbibiro lang naman ako, masyado siyang seryoso.

"Seriously, you don't have to."

"Too late. May nahanap na ako. We just need to wait for like 10 minutes before it arrives," aniya na ikinalaki ng mata ko. That fast? And, what the hell? Masyadong mahal ang bayad kapag sa online naghanap ng masasakyan!

Kaya ko namang lakarin hanggang sa may sakayan. I've been doing that everyday! Although mas late nga lang ngayon kaya medyo delikado.

"Stop worrying about the fare, I already paid it. Huwag mo na ring ipagpilitang babayaran ako dahil hindi ko 'yan tatanggapin."

"WHAT?" bulalas ko at 'di makapaniwalang tinignan si Kejadian.

"It's on me," madiing sabi niya.

"You're not applying to be my sugar daddy, right?" sa pagkakataong 'to, siya naman ang gulat na tumingin sa 'kin.

"Are you kidding me, Ianthe?"

"Then let me pay for my own fare. I don't want to be indebted to anyone."

"Just take it as my treat."

"I did not do anything for you to treat me."

Malalim siyang bumuntong-hininga. "It's my way of saying thank you."

"Thank you for what?" kunot-noong tanong ko dahil hindi ko siya maintindihan. Nagpapasalamat siya saan? Wala naman akong natatandaang tinulungan ko siya. In fact, ako 'tong may utang na loob sakaniya.

Magsasalita na sana si Kejadian pero agad ko siyang inunahan.

"Fine. Ililista ko na lang muna lahat ng utang ko sa 'yo, then I'll pay you some other time. Call?"

Halata sa mukha niya ang pagtutol kung kaya't pinandilatan ko siya ng mata.

"Okay," pagsuko niya at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa. Napangisi ako. Kailangan pang takutin, eh.

After a few minutes, dumating na rin ang taxi na binook ni Kejadian.

"Remember to send me your account so that I can wire the money, hmm?"

He just nodded in response bago nagtungo sa may bandang likod ng sasakyan.

My forehead creased when he took picture of the plate number and the whole cab, but I smiled after realizing what was that for.

"For safety purposes," aniya matapos makita ang reaksyon ko.

"Thanks. I owe you, big time."

Hindi siya kumibo, bagkus ay naglakad ito at binuksan ang pinto sa may backseat. Ipinahihiwatig na kailangan ko nang umuwi.

"You should get in."

Nang makasakay ako'y sandali niya 'kong pinasadahan ng tingin. Tila sinisipat kung ayos lang ba ang lagay ko.

"Kuya, dahan-dahan lang po ang pagmamaneho, ha," paalala niya sa driver bago isinarado ang pinto.

Mahinang tumawa ang driver at sinilip siya sa may bukas na bintana.

"Naku. Huwag kang mag-alala, iho. Ligtas at maayos kong ihahatid 'tong nobya mo," saad nito na ikinasamid ko. Nobya? Ni hindi nga kami maikukumpara sa magkaibigan, magkarelasyon pa kaya.

Kejadian faked a cough. "Sige na po, manong. Lumalalim na kasi ang gabi, baka hanapin na siya sakanila."

Kita ko ang mapang-asar na ngiti ng driver kaya napailing ako. But I can't blame him since Kejadian did not even deny it. Para siguro hindi na humaba pa ang usapan.

"Salamat ulit at ingat sa pag-uwi," nahihiyang sabi ko matapos ibaba ang windshield. He gave me a small smile before tapping the vehicle.

"Una na kami, iho," anang driver. Nang tumango si Kejadian ay nagsimula na itong magmaneho.

Sandali akong sumulyap sa may likuran at nakitang nakatingin pa rin si Kejadian sa aming papalayong sasakyan.

Nang hindi ko na siya matanaw ay muli akong umayos ng pagkakaupo.

I immediately took my phone when it beeped. It was from Kejadian. He sent me the pictures of the cab and plate number. Sinundan niya pa ito ng isang mensahe.

"Call me if anything happens."

Napangiti ako bago muling isinuksok sa bulsa ang cellphone.

——

Nang makauwi ako'y wala pa ring tao sa bahay. I sighed in exhaustion saka sumalampak sa couch.

Hindi pa naman ako nagugutom kaya mamaya na lang siguro ako kakain.

I squealed when I remembered something.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bulsa at nagtungong messenger para i-chat si Kejadian.

"Hi. I just got home. Ingat sa pag-uwi if nasa byahe ka pa and thank you ulit!"

Hindi nagtagal ay nag-reply siya agad.

"Thanks. Kauuwi ko lang din."

"I'm glad you're safe and sound."

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now