15

14 4 1
                                    


Kejadian decided to set it on Friday. Ako na raw ang bahala kung during lunch break ba gaganapin or after class.

As much as I wanted to treat him somewhere else aside from our cafeteria, I still have a lot of things to finish after class, kaya sinabi kong lunch break na lang.

Ayon sakaniya, wala naman daw problema kahit sa turo-turo pa. Mas gugustuhin niya pa nga raw do'n dahil mura na, masarap pa. Napangiwi na lang ako. Kahit anong oras naman pwede siyang kumain do'n.

"Hey. Do you have plans this friday?" tanong ni Fyearie eksaktong pagkalabas ko ng classroom.

"Yes. Plano kong magkulong sa kwarto hanggang matapos ko lahat ng school works ko," sarkastikong sagot ko.

Iyon naman talaga ang balak ko dahil sa tambak na gawaing ibinigay sa amin, na tila ba ayaw kaming pagpahingahin.

"May saturday and sunday pa naman," nakangusong sambit niya na ikinailing ko.

Papayag naman ako kung kayang tapusin ng isa o dalawang araw lang ang mga ibinigay sa 'min, kaso hindi.

That's why weekends doesn't feel like weekend at all para sa aming mga HUMSS Student. Idagdag pa na halos kapipikit mo pa lang, biglang lunes na naman.

It's supposed to be spelled as W-E-A-K-E-N-E-D because it's weakening.

"Gusto mo bang sumama 'ko sa 'yo?" tanong ko. Mabilis siyang tumango.

"Edi ikaw gumawa ng school works ko," dagdag ko pa bago siya nginisihan.

"Huwag na pala, hindi na kita iistorbohin. Madami pa naman akong kaibigan na pwedeng ayain. Focus ka na lang diyan sa school works mo, okay? Hwaiting!" aniya at pekeng ngumiti saka ako inakbayan.

"By the way, I saw you earlier with Kejadian. You're close with him pala?" that question made me stop for a minute.

"Come on, Ianthe. Tell me what's happening between you two," sambit niya ng hindi agad ako magsalita.

"Stop imagining things, Fyearie. We were just discussing about the upcoming event."

"Really? Akala ko ba you guys are academic rivals, ha?" pang-aasar nito.

Inismiran ko siya, "Says who?"

Of course, it was all made by those people who have nothing else to do aside from making up nonsense stories.

Magmula pa lang nung tumungtong kami ng Grade 11, maraming kumalat na bali-balita na kaya raw siguro kami hindi nagpapansinan ay dahil itinuturing naming kaaway ang isa't-isa. Iyon ang akala nila dahil lagi kaming magkalaban sa lahat ng patungkol sa pag-aaral.

Rankings, competitions, kung sinong mag-rerepresent ng school sa aming dalawa, at kung ano-ano pa.

Sa totoo lang, wala naman akong nararamdamang kahit anong pressure at pangamba kung magiging pangalawa lang ako. Being first or second place is already an achievement for me. Malaking bagay na 'yon para masabi kong worth it ang mga paghihirap ko at may napatunayan ako.

Hate and envy towards Kejadian? I've never felt those things. Kagaya nga ng sabi niya, ginagawa ko lang din kung anong dapat gawin ng isang estudyante. Ang mag-aral nang mabuti.

I also never find him a threat. Iyon kasi ang madalas sabihin ng mga tao.

I know how to accept defeat. Every time he wins in a competition and I'm his opponent, I always clap and tell him congratulations, because that's how my parents raised me. To always clap and be happy for someone's victory.

wishful thoughtsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora