06

30 8 0
                                    


I let out a long sigh before getting inside Edevane's car. I saw how he looked at me from the rearview mirror.

"Thanks for dropping by, Edevane!" nakangising sabi ni Fyearie at sinulyapan ako kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran na ikinangiwi niya.

"Any time for you guys," he said without taking his eyes away from me.

To be honest, I really wanted to puke right now. Right in front of his face and inside this car.

Pekeng umubo si Fyearie para maalis ang tensyon at awkwardness sa pagitan namin.

"Tara na, baka ma-late pa tayo sa party," anito at mukhang natauhan naman ang inarkila niyang driver dahil nagsimula na itong magmaneho palabas ng Villa.

Nang makarating sa venue ay agad-agad akong bumaba ng sasakyan para lumanghap ng hangin.

I feel like being strangled the whole ride because of Edevane's presence.

"You okay?" tanong ni Fyearie at hinaplos ang likod ko. I nodded in response.

"Hindi pa tayo umiinom pero mukhang nasusuka ka na," pagbibiro niya.

"Is there something wrong?" tanong naman ni Edevane eksaktong paglabas niya ng sasakyan.

Mabilis akong umiling para iparating na ayos lang ako.

"I'm perfectly fine. Let's go inside," sambit ko at hinigit papasok ng gate si Fyearie.

Nang tuluyang makapasok ay humigpit ang pagkakakapit ko sakaniya dahil sa rami ng tao.

"Chill," she chuckled. "Hindi ka kakainin ng mga 'yan. Mukha ka kayang makunat."

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko kung anong ibig sabihin niya sa makunat.

Noon pa man ay mailap na ako sa mga tao, and vice versa. They find me intimidating kaya wala akong ibang naging kaibigan bukod kay Fyearie.

Well, at least I have one.

"Gusto mo bang sumama sa 'kin sa table nila Sanjou or mas prefer mong mag-stay na lang muna rito? Babatiin ko lang naman sila kaya sandali lang 'yon."

"Sige," tipid kong sagot. Akmang magsasalita siya kung kaya't agad kong dinugtungan ang sinabi ko.

"Sasama na lang ako."

"Muntik na kitang sakalin, girl," aniya sabay irap sa 'kin. I suppressed my laugh.

"Tara na nga para makalandi na ako mamaya," nakangising sabi niya bago ako hinatak papunta sa kung saan.

——

"Glad you came, Fyearie!" masiglang bati ni Sanjou nang makalapit kami.

"Thank you for inviting us and Congratulations on your winning."

"By the way, this is my friend, Ianthe. For sure kilala niyo na siya since she's been into lot of Academic Competitions."

I gave them a small smile. "Hi. Nice to meet you and Congratulations."

Sanjou and his teammates exchanged glances that made me wonder why.

"Wow. This is unexpected," tila namamanghang sambit niya.

Humalakhak si Fyearie. "Alin sa dalawa ang 'di mo inaasahan? Ang pagpunta ni Ianthe o dahil magkaibigan kami?"

The side of his lips rose up, "Both," he answered before chuckling.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now