22

27 6 4
                                    


Gaya nga ng suhestiyon ni Kuya, inaya kong dito na lang muna matulog si Fyearie, at pumayag naman siya.

And here we are, eating snacks while talking about that Arjem guy for almost an hour now. I can't help but to roll my eyes.

Unang kita ko pa lang sa lalaki na 'yon ay hindi na ako tiwala sakaniya.

Kalat pati sa buong campus na papalit-palit ito ng babae, kaya hindi ko talaga alam sa kaibigan ko kung bakit patay na patay pa rin siya sa lalaking 'yon.

And the way he tried to flirt with me knowing that Fyearie likes him, still disgusts me. Sinabi ko 'yon sa kaibigan ko pero ang sagot niya, wala namang sila at happy crush niya lang 'yon kaya walang problema kahit maging kami pa. She was smiling from ear to ear while telling me that but I know her very well.

Her voice was slightly shaking and I caught a glimpse of pain in her eyes that time.

Sa totoo lang ay wala naman talaga akong pakialam sa kung sino man ang magustuhan niya... I just don't want her to end up with someone not worthy of her love and sincerity.

"Feeling ko kilala mo nga yung girlfriend niya, eh. Para kasing nabanggit mo na yung name niya sa akin before."

Kumunot ang noo ko. Bihira lang naman ako magkuwento at kung magkataon man, puro patungkol lang sa pag-aaral at mga pangyayari sa klase ko.

"The who?" tanong ko kasabay nang pagkagat sa cookie.

"Suzette Cravidez," she answered. Halos mabulunan naman ako kaya agad niya akong inabutan ng tubig.

"Magdahan-dahan ka nga," aniya habang marahang hinahaplos ang likod ko.

Nang mahimasmasan ay malalim akong huminga. "How did you know her name?"

She frowned, "I stalked Arjem's instagram account and since we're mutuals, malaya kong nakikita ang mga post niya kasama na doon ang picture nila ng girlfriend niya. With my pretty baby, he says in the caption tapos naka-tag yung babae."

"And yeah, she's pretty," dagdag pa nito.

I rolled my eyes for the nth time. Sa tuwing mapag-uusapan namin ang lalaking 'yon ay walang tigil ang mata ko sa kaiirap.

"Forget him, he's in a relationship already. He and his girlfriend deserves each other."

Because their personality complement each other. Basta hindi na nakapagtataka kung bakit naging sila.

"What? Akala ko ba tayo ang magkaibigan dito? Taksil ka, Louella Ianthe Xelouvilla. "

I chuckled. "Ngayon ay naalala ko na kung bakit ko nai-kuwento si Suzette sa 'yo."

"So, kilala mo nga? I knew it! Paano?"

"Tanda mo pa yung araw na tinawagan mo ako para sumama sa party nila Sanjou?"

She nodded. "Oo naman."

"That was the very first time I ranted, right? And it's because of Suzette. Siya yung sinabi ko sa 'yong tinanggal ko sa group project namin."

Her mouth formed an O. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa 'kin.

"Oh my geez. That was her?" Tumango ako.

"Ay, ang kapal mag-jowa tapos wala namang dulot sa group project. Char."

"Pero bago dumating yung araw ng pasahan, ibinalik din namin siya sa grupo," saad ko.

"Huh? Ibinalik mo? Bakit?"

I shrugged. "Nakakaawa rin kasi at walang ibang natanggap sakaniya."

"Kung ako 'yon, kahit lumuhod pa siya sa harap ko, hindi ko na siya tatanggapin."

Ngumisi ako. "Bitter ka lang, eh."

"Hindi na, 'no. Dahil sa kwento mo, wala ng dahilan parang kainggitan siya. Maganda nga siya pero matalino at mas masipag naman ako sakaniya."

"At mas maganda ka sakaniya," nakangising saad ko. Tumawa siya.

"Girl, huwag mong sabihing nababading ka na sa 'kin?" tudyo niya dahilan para manliit ang mga mata ko.

"Yuck. Hindi tayo talo."

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now