09

28 8 3
                                    


After that incident, I've never had a chance to talk with Kejadian to say thank you.

Everything went back to normal na kung saan nasa iisang classroom lang kami pero tila hindi ako nag-eexist sakaniya.

May mga pagkakataong sinubukan kong lapitan siya pero nag-alinlangan ako dahil baka isnabin niya lang ako.

Ngunit ayaw ko namang isipin niyang wala akong utang na loob at ni pasalamat manlang hindi ko magawa.

Dahil hindi talaga ako mapakali sa kaiisip sa bagay na 'yon, I decided to check his facebook account. Nagulat pa ako ng makitang naka-public 'yon.

Kinagat ko ang ibabang labi. Should I just chat him? Paano kung i-seen niya lang ako or inbox zoned? Pero mas okay na siguro 'to dahil sa messenger lang naman, diba? Mas nakakahiya kung sa personal ko gagawin tapos hindi niya naman ako papansinin.

I sighed. I have no choice. I'll just do this for my peace of mind.

Nagsimula ako sa pagtitipa ng mensahe.

"Hi. I just wanted to say thank you for helping me at the party and I'm sorry for causing you trouble. I may not look like grateful as you've said, but I really am. I swear."

Nang matapos ay pikit mata kong pinindot ang send button. Kung ano mang magiging response niya'y hindi na mahalaga. I already did my part and that's the only thing that matter.

Ibabalik ko na sana sa bulsa ang cellphone ng tumunog ito.

Kunot-noo kong binasa ang pangalan nang nag-message sa akin and my eyes widened after realizing who it is.

Ang bilis naman niyang mag-response. I did not even add him!

Kejadian Rimanov:
Took long enough, huh.

Ngumiwi ako. Kung gaano siya kasungit at ka-cold sa personal, gano'n din sa chat.

Louella Ianthe Xelouvilla:
I didn't get a chance to say it in person dahil nagmamadali kang umalis no'n.

Ilang minuto bago siya nag-reply.

Kejadian Rimanov:
Something came up so I had no choice but to leave immediately.

Natigilan ako dahil hindi na alam kung anong susunod na sasabihin. I'm no good at making conversation, okay.

Mas mabuti pa pala siguro kung sineen niya na lang ako. Hindi tulad nitong namomroblema ako kaiisip kung anong i-rereply sakaniya.

Kaya ang ending, sineen ko na lang siya. Siguro naman hindi niya dadamdamin 'yon dahil mukhang parehas naman kaming walang interes kausapin ang isa't-isa.


——

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga rin ang pasok namin.

I smiled widely as I saw my brother having a breakfast.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita matapos ang ilang araw na hindi niya pag-uwi. He's very busy dahil malapit na ang graduation nila.

"Good morning," bati ni Kuya at hinila ang upuan sa tabi niya, pinahihiwatig na doon ako umupo.

"When did you get home?" tanong ko habang naglalagay ng pagkain sa plato.

"Earlier, around 2AM."

"Tapos aalis ka na naman kahit kauuwi mo pa lang? Tignan mo nga mata mo, halatang wala kang maayos na tulog," nakasimangot na sabi ko.

Tumawa siya. "That's how college works, Louella. Next year, mararanasan mo na ring isakripisyo ang tulog mo at isantabi ang mga nakasanayan na gawain sa sobrang dami ng kailangang tapusin."

"Kung minsan nga, pati kalusugan mo mapapabayaan mo na," he added.

I pouted. Pansin ko ngang medyo namayat siya, marahil sa rami ng ginagawa.

So, college life is really tough, huh.

"Speaking of which, when's your graduation? And what do you want to take in college?" sa pagkakataong 'to, siya naman ang nagtanong.

"By June raw pero wala pang exact date na sinasabi. Hindi pa rin ako hundred percent sure sa gusto kong kuhanin, but I'm planning to take Psychology," sagot ko matapos ngumuya.

Tumango-tango siya at halatang natuwa sa sinabi ko.

"Where do you want to study?"

"Kahit saan basta maayos ang quality of teaching at pagpapalakad," I replied.

"There are tons of University. Nandiyan ang Ateneo, La Salle, UST, NU. Pumili ka lang, ako na ang bahalang kumausap at magsabi kina Mommy at Daddy."

"Thanks a lot, Kuya," I said in a cheerful tone bago nakipag-fist bump sakaniya.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now