11

28 6 1
                                    


"Hand me those, ako na ang bahalang mag-abot sakaniya," ani Kejadian nang makarating kami sa tapat ng office ni Mr. Pajanostan.

Mariin akong umiling dahil sa suhestiyon niya. Ako ang inutusan, hindi siya. Baka isipin pa ng Instructor namin na ipinasa ko sa iba ang ipinagagawa niya.

"You have something else to do, right?" tanong niya kaya kahit nagtataka'y tumango ako.

"Go. I'll take care of these," he said that made me sigh. Didn't know he was this persistent.

"Just put in the word for me," tanging nasabi ko bago ibinigay ang mga sketchbook na hawak ko.

Maybe he wanted to talk with Mr. Pajanostan, privately. Or he's just being helpful or whatsoever.

"Thanks. I'll get going," sambit ko pa. Nang tumango siya ay doon lang ako umalis.

——

Plano ko na sanang umuwi matapos gawin ang mga activities ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan.

I groaned in frustration. Now, I am stranded here inside the campus.

Hindi naman ako mahilig manood, makinig, o magbasa ng mga balita kaya hindi ko alam na may ganitong mangyayari ngayong gabi. Kung alam ko lang, edi sana nagbitbit ako ng payong.

Nag-text na rin ako kay Mom and Dad na baka matagalan ako sa pag-uwi dahil ayaw kong maulit yung nangyari nung nakaraan na pinag-alala ko sila.

Mabilis naman na nag-response si Mommy and she said that they couldn't come to pick me up since they are still at work at baka madaling araw pa makauwi.

She even suggested na i-try kong magpasundo kay Kuya, but I refused to. Ayaw kong makaabala pa. Wala na ngang maayos na pahinga yung tao, papagurin ko pa lalo.

Aantayin ko na lang sigurong tumila yung ulan. Kung hindi man siya humina before 8, wala na akong magagawa kundi lumusob makauwi lang.

While waiting for the rain to subside, I started to write names on the window to ease my boredom. Ayaw ko namang gamitin ang phone ko dahil baka ma-dead batt, wala akong dalang charger.

"You're still here?" gulat akong napaangat ng tingin sa taong nagsalita sa likod ko.

Kejadian's forehead wrinkled and eyes narrowed a bit when I didn't answer, "I thought you already went home?"

Marahan akong ngumuso. Obvious naman na dahil sa ulan kaya ako stuck dito.

Muli akong tumalikod saka siya sinagot. "Tinapos ko kasi yung ilang activities dahil gusto kong pag-uwi ng bahay, magpapahinga na lang ako. But then, this happened. And luckily, I didn't bring an umbrella with me."

Hindi siya agad nagsalita, bagkus ay narinig ko ang paggalaw niya sa upuang medyo may kalayuan sa 'kin.

Marahan kong kinagat ang ibabang labi, "Don't mind me. Just do your thing. Aalis na rin ako maya-maya, pinapahupa ko lang yung ulan."

He let out a manly chuckle, "Are you afraid of me?" tanong niya na nakapagpahinto sa akin. What does he mean by that?

"Huh?" naguguluhang sambit ko.

"You sound nervous everytime we're talking. Am I that scary?"

My eyes widened. He's being goofy! I didn't know he have this side with him.

"No!" protesta ko tsaka humarap sakaniya. He raised a brow while looking at me with a hint of amusement kaya napasimangot ako. Looks like he's making fun of me.

"I... I just don't know how to interact with people.. that's why I tend to finish conversations as soon as possible."

He tilted his head. Matagal bago siya nakapagsalita na tila ba kinalkula muna lahat ng sasabihin niya.

"Am I making you uncomfortable?" Biglang tanong niya gamit ang namamaos na boses na ikinagulat ko.

Ang hindi ko lang alam ay kung sa mismong tanong ba ako nagulat o sa malambot na paraan ng pagtatanong niya.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now