16

15 4 0
                                    


"How's school, Louella?" tanong ni Dad nang magsimula kaming maghapunan.

"Ayos naman po, Dad. Still the same," sagot ko matapos ngumuya.

"When is your card viewing?" tanong naman ni Mommy habang matiim na nakatingin sa akin.

"Next week po ata since katatapos lang ng examination nitong nakaraang linggo."

She nodded as a way of response. "We're going to Batangas this saturday, and we will stay there 'til next sunday. I don't think makakapunta ang isa sa amin ng Daddy mo sa araw ng card viewing niyo. Sasabihan ko na lang siguro ang Kuya mo na siya ang sumama sa 'yo. Paniguradong papayag naman 'yon."

"But... he's very busy. I don't want to disturb him po. I can also tell that he's not getting enough rest," alanganing saad ko saka marahang kinagat ang ibabang labi.

"Pwede ko naman pong pakiusapan ang Adviser namin na makita kahit saglit ang grades ko," I added.

Bahagyang kumunot ang noo ni Daddy, "Are you sure she's going to let you see it? Kasi kung hindi, baka pwede na lang namin puntahan nang mas maaga? But I don't think that's allowed."

"Ipaliliwanag ko naman po nang maayos kung bakit hindi kayo makakarating. For sure she'll understand," I said as an anwer.

"Okay. Just make sure na may maipapakita kang grades 'pag-uwi namin," ani Mommy kaya malawak akong ngumiti bago nagpatuloy sa pagkain.

Kinabukasan, nanibago ako nang halos lahat ng utos ay kay Lilieth na inaatas. Hindi naman sa ayaw ko o naiinggit ako, sa katunayan nga'y pabor 'yon sa 'kin. Sadyang nagtataka lang ako kung bakit tila nagbago ang ihip ng hangin at sakaniya na ibinibigay ang mga gawain. How surprising.

Nahinto ako sa pagsusulat ng may tumawag sa pangalan ko. "Hey, Ianthe!"

I almost raise my brow when I saw Suzette, standing in front of me. Naka-cross chest pa ito at mataray na tinitigan ako.

"I talked to Mrs. Chua," may halong yabang na sambit niya.

"And?" walang interes na tanong ko.

"At ang sabi niya, choice ko raw kung papayag akong umalis sa grupo o mananatili ako bilang ka-miyembro niyo. Kaya nag isip-isip ako at nagdesisyong maging parte pa rin ng grupo dahil sa tingin ko'y, hindi niyo kakayanin ng wala ako. I also made a promise na tutulong ako sa abot ng makakaya ko," mahabang litanya ni Suzette. I suppressed my laugh.

Is she serious? I think so. Base pa lang sa paraan nang pagsasalita niya na punong-puno ng kumpyansa.

"But as far as I remember the last time we talked, ang sabi niya, kapag hindi natulong at puro lang reklamo, pwedeng tanggalin sa grupo. But it must be a unanimous decision."

"How come kicking me out of the group a unanimous decision? I did not even agree!" reklamo niya.

"It was us three, against you," pagdidiin ko sa huling dalawang salita.

"Still, it was unfair!" ngumiwi ako at akmang magsasalita ngunit naunahan ako ni Maesyn.

"Hoy! Huwag ka ritong magreklamo, hindi 'to presinto. Kesyo tutulong sa abot ng makakaya mo eh puro cellphone nga lang ginagawa mo," anito at umirap. Kita ko kung paano umusok ang ilong ni Suzette sa inis.

"Ang lakas ng loob mong magreklamo, akala mo may naitulong ka sa grupo. Pagpili nga lang ng kulay at disenyo, kung ano-anong pinagbabanggit mo na wala naman sa ipinakita sa 'yo."

"Cellphone pa more," nang-aasar pang dagdag niya. Gusto kong tumawa ngunit hindi ko ginawa. Baka lalong mainis si Suzette at maisipan pang gumawa nang gulo. Malalagot kami rito.

"Shut up, will you? Hindi counted ang opinyon 'pag galing sa 'yo."

"It's not an opinion, katotohanan 'yon," Maesyn retorted. Napailing ako bago siya hinawakan sa braso.

"Fine. We'll let you join the group again. Pero once na gumawa ka nang gulo, makipag-bangayan sa mga kagrupo, at mas intindihin ang cellphone at pakikipag-usap sa mga kaibigan mo, hindi ako magdadalawang-isip na alisin ka ulit sa grupo. Naiintindihan mo?" puno ng awtoridad na usal ko.

She frozed for a minute. 'Di kalauna'y tumikhim ito saka tumango.

I sighed in relief. Hindi naman ako mahigpit pagdating sa mga group activities and projects, ayaw ko lang talaga sa kamiyembrong maraming dahilan at reklamo, pati yung kung ano-ano ang ginagawa habang yung mga kasama niya, ginagampanan na ang mga parte nila.

wishful thoughtsWhere stories live. Discover now