41: Pangarap lang kita :"]

96.8K 769 40
                                    

As requested, eto na po ang UD ko. Nakakatuwa kasi si @ArianeMicoCordero wagas lang makapagsabi ng funeral teh? Haha joke. Pero talaga ako’y natutuwa sayo. Salamat Godbless. Mabuhay ka!

You might be worthless to one person, but you are priceless to another.

PREVIEW:

"Ayaw kong bitawan ka kasi natatakot akong dumating yung oras na mawawala ka sakin"

 

Chapter 41 :

Gab's POV

 

Time Check: 3pm

"Ahh kaya naman pala e, tinatanong ko sya 'di nya naman ako sinasagot, yun lang pala ang sinasabi nya" baliw talaga, yun lang pala ang sinasabi ni Runo e.

Bakit ba hindi ko yun narinig?

 

"Oo, baliw yun e" tama ka Mikah baliw nga!

"So, paano daw ang set up?" usisa ko.

"Basta, di ko din masyado na-gets yung sinabi nya e, punta na lang tayo mamaya para masaya"

"Daming alam ni Runo, sige bahala na"

Nandito nga pala kame sa unit namen ni mylabs, nasaan sya? Ayun tulog nanaman, puyat kagabi e tapos naalimpungatan pa kanina..

"Sige na ate Gab alis muna ako, puntahan ko muna sila ate Kin dyan ka muna" sabi nya sabay tayo

"Sige, 'wag kang lalayo ah?"

"Sure, see you later.." hinalikan nya ako sa pisngi saka sya tuluyang lumabas, napalingon naman ako kay mylabs

Grabe.. Kahit tulog sobrang gwapo pa din nya, ang swerte ko dahil kasama ko sya :"P

Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama na hinihigaan nya, ang sarap nya talagang titigan hindi nakakasawa.

"Mylabs sana 'wag kang magbabago, sana mahal mo pa din ako hanggang sa susunod pang mga taon" mukang tanga na kung mukang tanga, ayos lang kahit kausapin ko sya kahit tulog sya, ganun naman talaga diba? Nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa dati.

"Hindi ako makapaniwala, hindi ko talaga lubos akalain na makukuha kita, na mapapansin mo ko, na mamahalin mo din ako gaya ng pagmamahal ko sayo, pangarap lang kita dati, panaginip lang, di ko akalaing abot kamay na kita ngayon"

Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko, umiiyak ako, umiiyak nanaman ako dahil sayo, pero alam kong hindi na dahil sa sama ng loob o sakit ng pakiramdam 'to, alam kong dahil sa sobrang saya kaya ako umiiyak ngayon.

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon