Chapter 25

1.8K 58 15
                                    


Chapter 25

Dates


Kuya Mooze:

Not because you're now free doesn't mean you can do anything you want. Eyes are still on Rejo. Careful.

Careful. Binasa ko 'yon gamit ang malambot na boses ni Kuya. Bumuntong-hininga ako. I miss him so bad. Napanguso ako.

Nasa sasakyan ako ng sundo ko. Papunta sa café ni Celine, text nang text si Rejo.

Wakim:

Where are you now?

Wakim:

Can't wait to see you. Saan ka na? :(

I chuckled. Pagpasok ko sa café, sinalubong ako ng yakap ni Celine. She was so thrilled to see me and I felt the same.

"You look prettier! Ilang buwan lang tayong hindi nagkita, gumanda ka na nang sobra!"

I laughed. "Ewan ko sa'yo. You look prettier too. Blooming..."

She rolled her eyes. "Nambola ka pa, 'di mo naman kailangang purihin ako pabalik!" Tumawa kami. "Punta ka na aa itaas. Kanina pa 'yon nandito, baka naiinip na 'yon."

Tumawa ulit ako. "Text nga nang text..."

Pataas sa hagdan, grabe ang kaba ko. Hindi 'yong kaba na takot matawag sa recitation. Kundi kaba na may pagmamahal. Natawa ako sa naisip.

But seriously, I'm nervous. It's like I'm going to attend a wedding and I'm the bride.

Pagbukas ko ng pinto sa second floor, ni-lock ko rin. Paharap pa lang ako nang may yumakap na sa akin mula sa likuran. I breathed deeply. Para akong mahihigitan ng hininga.

"Ra..." he whispered softly. "Damn, finally I can hold you again."

I chuckled even though I was hurting. Pain and happiness co-existed at the same time. Nagtagal ang yakap n'ya bago n'ya ako pinaharap sa kaniya. I smiled widely.

I was about to speak when his lips claimed mine. Mabagal na pumalibot ang isang kamay n'ya sa baywang ko, ang isa naman ay inanggulo ang mukha ko. From my chin, his hand traveled smoothly on my neck, his thumb brushing my jaw. Napalunok ako nang naglakad siya kaya wala akong nagawa kundi ang umatras. My back hit the wall gently.

"Rejo, CCTV?" I asked in between kisses. Hirap na hirap akong magsalita dahil grabe ang pagsiil n'ya ng halik.

"Don't mind it," he whispered huskily. That made me feel something. Napapikit ako sa naiisip ko. Bad, Hiraya.

Nakalimutan ko rin kaagad 'yong CCTV. Siguro na-trauma lang ako sa party ni Joshua Tan. Pero siyempre sa pinsan n'ya 'tong lugar na 'to, 'di naman niya ikakalat kung sakali.

Hindi ko alam kung saan magfo-focus. Sa kamay n'yang marahan na gumagalaw sa baywang ko na paminsan-minsan ay pumipisil, sa paghaplos n'ya sa leeg ko, sa paraan ng paghalik n'ya, o sa lapit ng katawan n'ya sa akin?

His kisses were addicting, making me high and drunk even without drinking anything. Nakakaantok, nakakadiliryo.

Nakakuyom ang isang kamay ko sa uniform n'ya sa tagiliran, at ang isa naman ay hawak ang ID n'ya. K
Nakatingala ako dahil mas matangkad siya sa akin. I can feel his tongue in a detailed manner. The softness and its movement make my knees wobble in weakness.

Humigpit ang pagkuyom ko sa uniporme n'ya nang ipasok n'ya ang dila n'ya sa bibig ko nang malalim. My heart skipped a beat, and for a second I forgot to breathe. Nanghihina na ako sa ginagawa n'ya, pero hinayaan ko siya dahil naiintindihan kong matagal kaming hindi nagkita at nakapag-usap.

Guarded Soul (The Brats #2)Where stories live. Discover now