Chapter 9

1.6K 70 51
                                    

Chapter 9

Study Night



"Yara, stop mo na kaya 'yan? May girlfriend nga, 'di ba?" sabi ko habang ini-stalk niya si Tanner sa Instagram, boyfriend ni Diana.

"Promise, I won't message him or anything. I'm just crushing on him. Kapag ba may girlfriend bawal nang hangaan?" she chuckled.

Nasa bench kami at may bakal na umbrella sa itaas. Kasama namin si Cheonsa. She doesn't like Yara. Ayaw naman talaga n'ya sa mga pinsan ng mga pinsan niya.

Hindi ko alam ang dapat isagot doon. Bawal nga ba? Nung si Rejo at Marinelle, crush ko pa rin naman siya. It's just really hard to against your heart. There are feelings we can't really stop.

"Diana is your classmate. Isn't it awkward? Crushing on her boyfriend?" malamig na tanong ni Cheonsa.

I got hurt a little. Cheonsa seemed disgusted. Paano naman akong may crush kay Rejo habang sila? But then, I had a crush on him first. Is it still valid? Na ako naman ang nauna? O dapat nung sila na, tumigil na ako?

But then it's too deep. I can't let go of my feelings. I tried. I swear. Pero lagi nila akong sinasama sa mga labas nila. Kahit ayaw ko, pinipilit nila ako. Marinelle knows I like Rejo, kaya bakit n'ya 'yon gagawin, 'di ba?

Pero nang nagtagal na sila nang kaonti, nagbago na ang treatment sa akin ni Marinelle. We're still friends, but she was a bit suspicious. She doesn't like hanging out with me whenever she's with Rejo. Naging possessive siya.

"Cheonsa, it's only bad when you make a move while they're still together. Wala akong ginagawang masama."

"But you decided to live here in the city because of that guy. Are you sure wala kang planong masama?" si Cheonsa, pero hindi tumitingin kay Yara dahil ayaw n'ya.

Buti na lang hindi mainitin ang ulo ni Yara. She's so patient and numb. Parang hindi nakakaramdam ng energy.

"Wala, Cheonsa. I will only make a move if they already broke up."

"Inaabangan mo?"

Ang init talaga ng ulo niya kay Yara. Hindi ako pumapasok sa usapan kasi ayaw kong maging hipokrita. Ayaw kong magmalinis. Hindi ko rin naman alam kung tama ba 'tong ginagawa ko. I'm... playing safe.

Tumawa si Yara at parang naiinis na si Cheonsa. "Basta hindi ko sila guguluhin habang sila. I'll wait for my chance."

Hindi roon nahinto ang usapan nila. I felt uncomfortable the whole time. Ayaw ko naman umalis kasi paniguradong sasama sa akin si Cheonsa, maiiwan naman 'yong isa.

Halos gano'n lagi ang nangyayari tuwing magkasama kaming tatlo. Minsan lang makasama si Ashanti kasi iba naman ang schedule n'ya sa amin. Mas maaga ng isang oras ang lunch break n'ya.

Paglagay ko ng iPad sa bag ko, lumabas na ako ng kwarto. Pababa sa hagdan, nakita ko si Daddy kaya niyakap ko at sabay kaming pumunta sa kusina. Nandoon kasi si Kuya Trev kasama si Mommy.

Inagaw ko ang baso n'ya at inubos ang juice. He stared at me with disbelief but didn't say anything. Pwede naman siyang maglagay ulit, maarte lang siya. Laway conscious.

"Gabi na Trev," si Daddy at pinaluwagan ang neck tie n'ya nang umupo sa pinakadulo ng lamesa. "Take care of your sister," strict ang boses ni Daddy.

Nagkatinginan kami ni Kuya. Tinaas-baba ko ang kilay ko habang nakangiti, nakahawak sa dalawang sling ng bag ko.

We're going out to study. Parehas kaming may quiz bukas. Kasama niya ang mga kaibigan n'ya, at ako... mag-isa lang. Pero makiki-table ako kina Kuya. His friends are nice, they don't mind tagging me along.

Guarded Soul (The Brats #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon