Chapter 8

1.6K 67 115
                                    

Chapter 8

Exclusive




The least thing I'd do is to always think about what's between us. I don't wanna spoil the moment. I don't want to put meaning to what we have so it would be less painful if anything bad happens in the end. It is what it is muna ako. Usually, gano'n naman ang ginagawa ng mga tao para maging unbothered.

Kasama ko ang mga pinsan ko sa isang salon. Kasama namin si Lorcan at Eccaias. Driver namin ngayon dahil busy ang iba. Busy sa pag-aaral, busy sa pag-ibig, busy sa kung ano mang tinatago nila sa amin.

"When can we watch your performance, Lor? Ba't ba kasi ayaw niyong manood kami?" tanong ni Ashanti habang nakapikit, ine-enjoy ang pag-pedicure sa kaniyang mga paa. Naka-curl ang mahaba na niyang buhok, may highlights na blonde ang brown hair color n'ya. Paiba-iba siya ng color highlights every six months.

"If we're already successful," bored na sagot ni Lorcan habang nilalaro ang beaded bracelets n'ya. Naka-black shades at prenteng-prente na nakaupo sa massage chair.

"How do you even define successful? Para naman sa akin successful na kayo. Sikat na ang banda niyo. Napapansin pa nga ng mga Hollywood singers ang mga kanta niyo..." si Ashanti ulit.

"Basta, Ashanti, tumahimik ka na lang. Bibigyan ko na lang kayo ng tickets kung pwede na..."

"Pero noong si—"

Malamig siyang tiningnan ni Lorcan nang ibaba n'ya ang shades n'ya. Bumuntong-hininga na lang si Ashanti at saka umirap. Hindi n'ya na binanggit ang pangalan na gusto n'yang gamitin.

"After graduation niyo, anong plano niyo?" tanong ko para mabawasan ang tensyon.

"Of course, we will pursue our dreams. We'll spend our time working together in our studio, composing lyrics and making the best pieces..." sagot ni Eccaias na nagbabasa ng magazine.

All pink ang salon kaya nacu-cutan ako sa kanilang dalawa. They look so manly, tapos ang girly ng paligid nila. They didn't complain when we asked for them to accompany us tho. Saka pribado naman 'tong salon, hindi sila pagkakaguluhan ng mga obssess na fans. Buti na lang international school ang pinapasukan nila, matindi ang security roon.

They're all serious about their dreams. Alam na nila dati pa na ito ang gusto nilang direksyon. They love music, so they should be musicians. Ako ba? I don't love math, so why should I be a business woman? I love art. I love colors. I love drawing.

They were talking about random things while I was busy with my phone. I checked Rejo's Instagram and there's a new update. Six hours na yata mula nang mag Instagram ako. Pinindot ko ang green.

Sumandal ako nang mabuti sa accent chair at nilapit ang phone sa mukha ko para hindi makita ni Ashanti.

5 hours ago ang IG story ni Rejo. He. Was. Topless! May puting facetowel sa balikat n'ya at naka jersey lang siya ng itim na may puting linings. Katatapos lang yata nilang mag gym ni kuya. Naka mirror shot sa bathroom. The tip of his tongue was poking the back of his fang. I sighed and took a screenshot of it. Nilagay ko kaagad sa hidden album ko.

Nag-tweet ako sa public Twitter ko. Natawa ako sa naisip ko.

@hillary.m

just watched born to be mine ;)

Marami agad nag like. Montevinski eh. Pag-uusapan na naman ng ibang tao 'yan. Hindi ko alam kung nadadamay lang kami sa popularity ng mga lalaki kong pinsan o marami rin talagang naiintriga sa buhay naming mga babaeng Montevinski. Lalo na sa akin na dalawang Montevinski na lalaki ang kapatid...

Malakas na tumawa si Ashanti sa tabi ko.

"Born to be mine? Bitch, born to be wild yata 'yon," halakhak niya pero biglang tumingin sa akin. "Or punchline 'yon? Kasi hindi ka naman mahilig sa mga hayop?"

Guarded Soul (The Brats #2)Where stories live. Discover now